Chapter 30: Secret

62 3 0
                                    

Mabel's POV

Monday ngayon at 6:59 am pa lang ng makarating ako sa school. Pero bakit kaya wala sina Acey sa canteen?

Dumeretso kasi ako sa canteen matapos kong iwan yung bag ko sa classroom. Akala ko pa naman maaga rin sila ngayon.

T_T

May flag ceremony nga pala mamaya kaya baka nagpa-late silang lahat.

Nilibot ko talaga ang buong canteen dahil hindi ako nakukuntento kung wala ba talaga silang lahat dito o kaya pinagtataguan lang ako. Madalas kasi nila ako pagtripan kaya naninigurado lang. (^_^)/

Buti na lang at naka-bili pa ako ng cupcake monster at isang milk tea sa FT Haus kanina! Walang manghihingi sa akin! Kakainin ko ito ulit ng solo gaya dati! Yehey!

Pinili ko yung table na malapit sa glass wall na kung saan kita mo yung maliit na playground para sa mga elementary students.

Habang nanonood ako ng mga batang naglalaro, biglang may sumitsit.

Pssst

Waahh! Sino yun?!

Psst

Waah! Meron ulit sumitsit! TT@TT

"Its me."

Wala akong kilala na 'Its me'! Anong klaseng pangalan yun?

Nagulat ako ng may nakiupo sa table kung saan ako nakapwesto. Kinuha ko yung eye glasses na suot ko at ginamit ko yung neck tie ko para pampunas sa mga lenses para masigurado kung siya ba talaga ang nakikita ko.

"Why? What's wrong?" natatawa niyang sabi sa akin. Hanggang kailan niya kaya ako titigilan sa pagtawa? Kapag kasi konting kilos ko lang, tawa na agad siya.

"Wala naman. Huhuhu! Miss ka na namin Luke!" Yes, si Luke talaga ang lumapit at nakiupo sa table ko kaya hindi ako makapaniwala.

"Its been a long time, alien."

"Ayan, its been a long time na nga talaga Luke. Nakalimutan mo na ang pangalan ko. Si Mabel ako, sinong alien sinasabi mo dyan?" tumingin ako sa glass wall dahil baka may nakita siyang alien sa labas. Pero ni space ship ay wala akong nakita. Ayoko naman na mag-assume na ako yung tinawag niyang alien. Atsaka hindi ako mukhang alien noh! Nababaliw na talaga 'tong si Luke.

"Pffft, nakakatawa ka pa rin."

"Kahit hindi naman ako nagpapatawa..."

"Nandito nga pala ako para mangamusta." Mangamusta? Bakit naman?

"Dapat nagtext ka na lang. Mangangamusta ka lang pala pero ginulat mo pa ako kanina. Uso naman ang patext-text na lang."

"I know. At hindi lang naman ako mangangamusta sayo."

"Bakit ano pa bang gagawin mo dito?"

Hmmp, nagtatakha rin ako dito kay Luke kung bakit ba niya kami iniiwasan dati? May kasalanan ba siya sa amin? Eh kay Celestine kaya? Aha!

"Isusumbong kita kay Hazel! Pinaiyak mo si Celestine!"

"Umiyak siya?" tanong niya na parang nag-aalala.

Tumango ako at sumimangot. "Kasi di ka man lang nagtext at tumawag sa kanya after niyong mag-arcade. Tapos tinatakasan mo pa kaming lahat. At hindi lang yon ang kasalanan mo, sino yung kasama mong babae ha? Hindi ba't kaibigan yun ni Lean?"

Tingnan lang natin kung makakasagot ka, Luke! Makikita mo ang pagiging magaling ko sa pag-acting na galit kunwari! Hehehe! ^w^

"Hindi ko naman sinasadya lahat nang yun. Maniwala ka sa akin."

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon