Chapter 20: Broken

86 3 0
                                        

Mabel's PoV

Ang saya-saya kapag naaalala ko yung birthday ni Acey! Lalo na yung surprise pero... Huhuhu! Mas natakot tuloy ako sa mga aso! Bakit kasi kami pa ang trip ng aso na habulin? Tapos nalaglag pa namin yung cake. Ang pangit tuloy ng naging itsura. Pero masarap pa rin!

Nakakailang-linggo na rin ang nakalipas matapos ang surprise birthday party namin kay Acey. Halos hindi ko na nga masyado makita ang ibang members ng Tropang Cupcake Monsters dahil bukas na ang celebration para sa linggo ng wika. Naging busy kasi silang lahat sa mga clubs nila.

Kalimitan kong kasama si Celestine. Pero nagiging alone tuloy ako kapag dumadating si Luke, yung boyfriend niya.

Gaya ngayon, mag-isa lang ako sa canteen. Pero masaya ako dahil kumakain ako ng mga inorder kong pagkain mula sa FT Haus.

Minsan kasi inuubusan nila ako ng pagkain. Lalo na sina Lysa ang lakas manghingi ng fries! Kaya masayang-masaya ako dahil solo ko mga pagkain ko! *_*

Pero... Waaaah! Nakakalungkot talaga mag-isa. Sa dami nila, wala ni isa sa kanila ang kasama ko ngayon. T_T

Matapos kong kumain, nagdesisyon na akong bumalik na lang sa classroom namin kahit kakaunti lang tao dun. Pati naiwan ko pala eye glasses ko kaya kailangan ko talagang bumalik.

Wala kasing klase ngayon dahil nga sa linggo ng wika bukas. Hmmp, tanda ko nga pala sinabi ni Haze-Haze kahapon na half-day lang sila sa clubs.

Yeheyyy! May makakasama na rin ako mamaya! Huhuhu! Di na ako makapaghintay!

Siguro kung maboring ako sa classroom, dideretso na lang ako sa library dahil paniguradong nandoon lang si Yuna. O kaya sa Gymn dahil kina Lysa?

Habang naglalakad ako sa corridor at nag-iisip ng pwedeng gawin na hindi boring, bigla kong nakasalubong si Luke.

"Hello Luke!" masaya kong bati sa kanya.

Nabigla siya sa pagbati ko at mabilis na itinago sa likod niya ang... Uhhh... Hindi ko nakita bitbit niya eh, hehehe.

"Ano yang tinatago mo, Luke?" tanong ko sa kanya habang nakangiti pa rin. Baka kasi matakot siya at isipin na pagbibintangan ko siya.

"Ah... Hahaha! Wala 'to, Mabel. Uhmmm, phone ko 'to." Ganun ba?

"Ok!"

"Siya nga pala..." Papasok kasi ako ng classroom namin ng bigla siyang humarang sa pintuan.

"Huh? Bakit Luke? Teka, parang namumutla ka. May nakita ka bang multo sa loob?" Sana naman huwag na, kasi kukuhanin ko pa eye glasses ko dun! Natatakot pa naman ako sa multo.

"K-Kanina kasi parang may nakita akong pumasok dito sa c-classroom niyo. Tapos... Uhhh... Nung pumasok ako, nakita ko yung taong pumasok. Tumagos sa pader. N-nakakatakot nga eh." kinakabahan niyang sabi sa akin.

"Huhuhu! Hala, kinikilabutan tuloy ako!" Pano na salamin ko sa mata! Baka mamaya madisgrasya pa ako at wala akong eye glasses. Natatakot na tuloy akong pumasok sa classroom. Si Luke kasi! Hindi ko na nga lang kukuhanin yung eye glasses ko. T_T

Tumawa naman si Luke. "Kalimutan mo na lang yon. Oo nga pala, tawag ka nina Yuna at Patricia sa Gymnasium. Tapos na raw kasi sila sa Clubs."

Napatalon ako sa sobrang tuwa. "Talaga Luke?! Yehey! Sige, sige punta lang ako dun!"

Tatakbo na sana ako palayo ng bigla niya akong tawagin ulit. Bakit ba lagi na lang niya ako pinapatigil? (O.o) ?

"Eto nga pala eye glasses mo." Huh?

"Teka, eto ba yung tinatago mo kanina?" Bakit niya naman 'to kailangan itago sa akin?

"Nag-aalangan kasi ako kung sayo yan o hindi eh. Nung pumasok kasi ako sa classroom niyo para tawagin si Celestine napansin ko yang salamin malapit sa bintana. Hindi ko na sana kukuhanin at hahanapin ko na lamang si Celestine sa ibang parte ng Academy pero kinuha ko pa rin. Baka sakaling sayo. I just doubt because I thought black yung sayo. Pink pala." Ah, kaya pala.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon