Mabel's Point of View
Ilang buwan na ang nakakalipas noong magkaayos muli sila Celestine, Luke at Patch.
Flashback...
Nasa rooftop kaming lahat habang nagpapaliwanag si Luke sa mga totoong dahilan kung bakit sila nag-away ni Celestine. Hindi pala sila nagkiss ni Avery. Hehehe. Akala ko tuloy traydor siya kay Celestine.Matapos ang pagsosorry ni Luke, pinatawad na namin siyang lahat. Ang kapalit nga lang, nakatanggap siya ng gulpi kay Dennis para pambawi sa ginawa niya sa amin lalo kay Celestine. Hahaha!
Nang maging ok sila ni Celestine that time, lumapit si Luke kay Patch na tahimik lang sa isang tabi.
"Patch."
Itinaas ni Luke yung isa niyang kamay na parang gustong makipag high five. Nakangiti siya kay Patch pero nakatitig lang ito na para bang hindi alam ang gagawin.
Para hindi mapahiya si Luke, ako na ang nakipag-apir sa kanya. Hehehe.
"Huh? Si Patch yung gusto kong makipag-apir sa akin tapos ikaw naman gumawa."
Nagulat ako nang kutusan siya ni Dennis at itulak ni Terrence. Huhuhu! Ang sakit siguro non. /(T-T)\
"Peace be with you Patch!" sabi ni Luke habang natatawa."Wow ha. Ano tayo, nasa simbahan?" biglang sabat ni Haze-Haze.
"Hindi pa ba sincere yung sorry ko?" tanong ni Luke.
"Hindi." biro nila Acey at Hazel.
Nakita kong bahagyang ngumiti si Patch dahil sa nangyari. Hay salamat! Siguro at magiging maayos na silang dalawa ng tuluyan matapos ang natanggap na challenge sa kanilang relationship. At nakumpirma kong oks na oks na silang dalawa nang makita ko si Celestine na nagcling sa braso ni Luke. Huhuhu! Hindi ko mapigilang maging masaya para sa mga kaibigan ko!
End of Flashback...
Sa ngayon, nasa FT Haus ako para tumambay! Waaah! Ngayon ko ulit naalala na dalawang buwan na lang ang natitira bago namin iwanan ang West Academy.Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, naulit nanaman na mag-away ang barkada at si Lean. Parang kailan lang, Acquitance Party namin.
Parang kailan lang... nawala si Ford at bumalik ng Free Academy.
Huhuhu!
Kawawa naman si Haze-Haze, laging nag-iisa. Lumipas na ang ilang mga okasyon gaya ng pasko, new year, at kahit yung mga birthdays namin pero di pa rin nagpaparamdam si Ford.Ano na kaya nangyari dun?
"Ano nanaman ang iniisip mo?" biglang sabi ni Hazel sa akin habang hinahalo yung shake niya.
"Wala ah! Pero may naalala lang kasi ako."
Sila Acey, Patch, Hazel at Celestine ang kasama ko dito sa café. Naiwan kasi sila Lysa at Jia sa school dahil may training. Tapos wala dito si Yuna dahil may date sila ni kuya September. Kung hindi ako nagkakamali, monthsary ata nila ngayon.
"Baka kung ano-ano nanaman 'yan h."
"Hindi kaya."
"Tungkol saan ba?"
Patay. Si Hazel pa yung nagtanong sa akin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na naisip ko bigla si Ford. Baka biglang magalit sa akin eh. Huhuhu! Katakot!
"Hehehe. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko."
Kaso sinamaan niya ako ng tingin. Waaah! Huhuhu!
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Roman pour Adolescents[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18