Hazel's PoV
Nagtatawanan lang kami ni Ford habang kumakain ng snacks.
Kanina, nandito sina Mabel at Yuna sa loob ng Art Club Room. Agad din naman silang lumabas matapos makita ang buong kwarto.
"Nakakatawa nga yung itsura ni Mabel kanina noong nakita ang wall."
Natawa rin si Ford sa sinabi ko. "Oo nga e. She's really a childish one."
Kahit ako, nagagandahan rin sa room. Hindi ko akalaing magiging isang mala-galaxy ang kanyang design.
Pinaayos ng teacher, na sumaway sa amin, ang wall kahapon dahil sa nadumihan ito ng paint. Nilagyan lang namin ito ng glitters at pininturahan na rin ng husto para mawala ang pagkamadungis niya. Cream color kasi ang una nitong kulay at naging ombre lang siya matapos ayusin ang itsura.
"Mahilig talaga si Mabel sa mga galaxy na design."
Tumango-tango lang si Ford. "Almost lahat ng girls naman."
"Ang cute kasi tingnan."
"Manghang-mangha nga siya sa wall." Tumingin ako kay Ford. "Hahaha, isip bata. Parang ikaw."
Napakunot naman ang noo ko.
"Hindi kaya."
"Oh really? Lagi ka kaya nagkakatantrums before kapag may pagkakataong nagkikita tayo. Tapos,l kumukulo din ang dugo mo sa akin kapag makikita lang ang presensya ko. Hahaha. Parang may plano ka pang ibaon ako sa lupa dahil galit na galit ka sa akin eh."
Natawa naman ako sa mga sinabi niya.
Ugh! Ang sarap niyang patayin!
Naalala ko tuloy yung First Day. Patay agad sinabi ko eh. Feeling killer lang. Grabe, ang sadista ko talaga. ^_^'
"Ikaw naman kasi, napaka-ungentleman mo. E kung tinulungan mo ako dati, edi sana hindi ako nagalit sa'yo."
Natawa ulit siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko.
"Ganda mo kasi. Wala na akong nagawa, hahaha."
Ano daw? Anong connect ng mga sinabi niya sa sinabi ko kanina?
Dahil d'on, sinampal ko siya ng pabiro.
"Lagi mo akong jinojoke, Ford."
Ngumiti lang siya at biglang tumayo pagkatapos. Dito nga pala kami nakaupo sa sahig dahil may mga nakapatong na art projects sa lahat ng upuan na nandito.
"By the way, I almost forgot what my Auntie has said to me last time. Half day nga pala ang mga students ngayon."
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at agad ko naman iyon tinanggap. Ayan, nakatayo na rin ako tulad niya.
"Bakit daw?"
Nagshrug muna siya bago magsalita.
"She didn't told me the reason. Pero balita sa akin ni Kean, may inaasikaso ang mga teachers na importanteng bagay."
Tumango lang ako bilang sagot. Nakita kong tumingin si Ford sa suot niyang wrist watch.
"It's already past 12 noon. For sure, almost all the students were now gone home."
***
Classroom
Pumasok kami ni Ford sa classroom para kuhanin ang mga bag. Nagtaka kaming dalawa dahil hindi namin ineexpect na nasa loob pala si Kean. Ano kaya ang ginagawa ng torpe na 'to dito?
"Senior, nasaan yung tatlo?"
Oo nga pala, hindi napansin ni Kean ang pagdating namin dahil nakasubsob ang mukha nito sa isang arm desk. Kaya matapos siyang tumunghay, medyo nagulat ito sa amin. Pero naka-recover agad siya bago sagutin ang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Novela Juvenil[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
