Chapter 69: Two Hearts

40 2 0
                                    

Terrence's PoV



Matapos lahat ng mga nangyari, may ilang araw na lang bago ang Acquaintance Party.

Halos araw-araw ganto kabusy sa Art Club para sa paparating na okasyon. Mabuti pa yung mga estudyante sa buong Academy, masaya. Pero dito sa buong barkada?

Ganun pa rin.

"Terrence. Hehehe, tulungan na kita."

Lumapit sa akin si Mabel para tulungan ako sa paggugupit ng mga foil paper. Tinanguan ko siya na ibig sabihin ay sumang-ayon ako.

"Grabe ang busy ng Art Club kapag may event sa school! Hoo~ kakapagod."

"..." Abala lang ako sa paggugupit at hindi ko na siya maimikan pa.

"Kanina nga pinapagalitan ako ni Haze-Haze eh. Haaayy, ayoko naman na pabayaan ang nakatoka kong gawain dito. Pati ok na rin ako at kaya ko na ang mga gantong gawain."

"..."

"Medyo naeexcite ako sa Acquaintance Party. Hihihi. Ang dami ulit foods dun! Tapos papanoorin ko sila Celestine na sumayaw. At aabangan ko yung speech nila Patch bilang mga leaders ng clubs."

"..."

"Sana matuwa yung adviser natin sa set up ng party. Gusto kong maexempted sa MAPEH. Atleast mababawasan ang ieexam natin sa darating na Monthly Test."

Biglang hinangin ng electric fan yung mga ginupit kong foil paper. Pupulutin ko na sana yung mga nalaglag na papel ng yumuko si Mabel at mabilis iyon lahat sinimot.

"Hehehe. Eto oh Terrence!"

Kinuha ko yung iniabot niyang papel atsaka ngumiti sa akin. Hindi ako seryoso at nakangiti. Guguluhin ko na sana yung kanyang buhok ng maalala ko yung injury sa ulo niya. Kaya imbis na gawin 'yon, tinap ko na lang yung balikat niya.

"Huh?"

"Ako dapat pupulot nito. Muntik ka pang mauntog dito sa table." palusot ko.

"Ah ganun ba? Hehehe. Sorry! Inunahan kita kasi malapit lang sa akin yung mga nalaglag na papel. Aleast hindi ka na lalayo pa. Oh ha?"

Ngumiti na ako kaya napangiti ulit siya.

"Thanks."

"Hehe, you're welcome!"

Bumalik na kami sa paggugupit ng mga foil papers. Matapos ng ilang oras at sa mga gawain, nakaupo lang ako sa table habang nakatingin sa bintana.

Medyo sumasakit pa rin yung ulo ko dahil sa injury. Nagka-injury ako dahil tumama ang ulo ko sa hagdan ng pool matapos malaglag sa tubig. Hindi ko ginusto malaglag. Ayun lang ang nagawa kong paraan para umalis siya. Pero sumunod siya sa akin malapit sa pool para tulungan ako.

Kung hindi ako yung tinamaan, baka siya pa ang nagka-injury. Sana siya na lang yung naaksidente. Baka sakaling magka-amnesia pa siya at makalimutan lahat ng mga sinabi ko.

I know it's a bad joke. Pero pasalamat na lang at ako yung naaksidente. Sayang naman katalinuhan niya kapag nagka-amnesia pa.

"Para kang baliw."

Napalingon ako sa harapan at nakita si Hazel na nakatayo sa harapan ko. As usual, expressionless ang mukha.

"Akala ko bumalik ka na ng classroom?" palusot ko.

"Bumalik ako para tingnan kung may kalat. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita kitang pangiti-ngiti dyan sa ibabaw ng table."

Tumingin ako sa relo at kunwaring inaalam ang oras.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon