Prologue

441 9 2
                                    

Hazel's Point of View

I think... kahit anong oras, pwedeng sumabog ang puso ko sa nakikita ko ngayon.

He's happy, yah, with her.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, bumalik na ako sa lugar kung saan ngayon nakaupo ang mga kaibigan ko. Kakainin ko na sana ang inorder na pagkain nang mapansin kong nakatingin sa akin si Celestine habang nakakunot ang noo.

"Problema mo?" Hindi ko na siya pinansin pero makalipas ang ilang minuto, nagsalita pa siya ulit.

"Huwag ka ngang mag-pretend na ok. Ano ngang problema mo?" Umiling-iling na lang ako sa kanya. Nakita ko sa mukha nya na gusto niya akong sampalin. Ayaw niya kasing may tinatago sa kanya.

"Sasapakin kita kapag--"

"He's happy with her."

"What?" Halata sa mukha nya ang pagkainis. Tumungo na lang ako para hindi na lang nya ako pansinin.

"Best, huwag ka ngang mag-emote dyan. Masyado kang nagdadrama. Hindi kita maintidihan. Sino ba ang sinasabihan mong 'he's happy with her'?"

Wala ako sa mood na makipagkwentuhan sa kanya. Masyado akong miserable ngayon. Pumayag ako na makibonding sa tropa ko pero parang hindi naman ako nag-eenjoy.

....Kasalan nya 'to. Bakit ako pa ang nagdurusa?

***

A/N:

Hello readers!!! I'm R.A, the writer of this simple young adult story. Sabihin na lang natin na simple siya kahit 80 chapters ang nilalaman niya. 😆

Magpapasalamat na ako in advance after mong madiscover ang FOSSIL na 'to. Isa pang pasasalamat kung itutuloy mo ang pagbabasa nito hanggang dulo. Anyways, this is my first ever story that I posted in Wattpad. I wrote Love Quarel since my early years in highschool. Kaya mga besh, huwag na magtaka kung maraming errors sa story na 'to dahil iilang taon pa lang ako noong maisulat 'to.

This story might be cliché for you. But the truth is, Love Quarrel is a reflection of my dear highschool life. I hope you'll like this. Thank you!

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon