Chapter 47: New Year

32 3 0
                                        

Patricia's PoV

"This is so fantastic! I love this matte lipstic so much!"

Nasa bahay ko sina Hazel at Celestine dahil pinapunta ko sila dito para may makasama ako.

After kasi ng Christmas, umuwi ulit si Yuna sa province nila para magcelebrate ng New Year. Si Ford naman ay pumuntang New York dahil doon rin siya magcecelebrate ng bagong taon.

Kaya kaming tatlo na Team Bahay lang ang walang kasawa-sawa na magkasama ngayon.

Tanghaling tapat na pero parang ang lamig pa rin ng simoy ng hangin. Nakaupo kasi ako malapit sa bintana habang abala sa laptop. Busy kasi magdaldalan yung dalawang magbest friend. Samantalang ako, kausap ko si Jia sa Skype.   
   
   
   
[Dapat nga uuwi rin ako noong pasko sa atin. Pero hindi natuloy kasi sinamahan ko pa yung mga ate ko papuntang Manila para mamasyal.]  
  
  
   
"Nako, ok lang yun. Naiintindihan ko naman. Ako nga gusto ko kapag gantong holiday sa probinsya rin ako nagbabakasyon eh. Kaso wala naman akong probinsya. Parehong nakatira si Nanay at Tatay dito."  
   
    
   
[Hahaha! Oo nga. Masaya nga dito. Namiss ko nga sila ate eh.]  
   
   
   
Ang kasama lang ni Jia sa bahay kapag nandito siya ay mga tita lang niya. Pareho na kasing graduate ng college ang dalawa niyang nakatatandang kapatid. Sila na kasi yung nagpapaaral kay Jia dahil hindi na kaya ng parents niya na magtrabaho. 

Nameet ko na rin ang mga ate ni Jia personally. And sobrang ganda nilang dalawa na parang pangMiss Universe ang dating! Nalaman ko rin kasi na active sila sa mga pageants at ilang beses na silang nananalo.

Kaso ayon kay Jia, mga wala pa daw silang boyfriend. Hahaha! Kaya panay ang tukso ng mga ate niya kay Jia dahil may dumating na 'Gio' sa buhay niya. Ang angas kasi minsan ni Jia kumilos. Pero aba, nagkaroon ng manliligaw.    
    
   
Swerte niya at si Gio ang makakatuluyan niya.  
    
   
"May connection rin ba kayo ni Gio?"    
    
    
    
[Yah. Meron naman. Hindi naman siya ganung kabusy. Ayun, parang nagsisisi ata siya dahil hindi pumunta ng Seoul.]   
    
    
   
"Kahit ako naman e magsisisi nan. Seoul yan eh! Pangarap natin yan Jia!"   
    
   
   
[Hahaha! Tama! Kaso iba naman kasi dahilan ng lalaking yun eh. Travel naman iniisip natin.]  
    
    
   
"Hahaha! Oo nga."   
 
   
   
[Tinatanong ko nga minsan sa kanya kung magkano overall balikan sa Seoul. Pero hindi naman sinasabi sa akin. Tss. Pinagseselosan pa si Gikwang.]   
 
 
 
"Loko eh. Sabihin mo sa kanya, gumawa rin siya ng kpop group niya. Hindi naman natin siya iiwan sa ere eh. Tayo pa unang magbuibuild ng fan club nan."  
   
   
  
[Tama. Ano kaya magandang name? Para mapaghandaan natin.]  
   
   
  
Habang nag-uusap kami ni Jia, bigla namang sumingit sina Hazel at Celestine.

"Oh, its Jia! Hi Jia! Musta na dyan?!" sigaw ni Celestine.

"Makasigaw, wagas?! Wala naman sa kabilang bundok si Jia ah."

"I don't care. Syempre para marinig niya ng todo-todo ang golden voice ko."

"Golden voice? Feeling mo naman kumakanta ka? Gusto mo bang bawiin ko yang gift kong lipstick sayo?"

"I'll shut up na nga. Tsk."  
    
   
  
[Nag-aaway nanaman ang dalawa. Dapat sa new years resolution niyo kailangan mapabilang yang pag aaway niyo ha?]  
   
   
  
"Bonding namin 'to ni Patch kaya hindi na siya mawawala sa aming dalawa. Pati isa pa, siya kaya unang umaaway sa akin."

"Wow ha? Ako talaga? Nahiya naman ako sa sinabi mo." sarcastic kong sabi.  
   
   
  
[Ayan nanaman, nag-aaway ulit.]  
   
   
   
"Hindi kami nag-aaway." pareho naming sinabi.  
   
"Pagkauwi mo dito Jia, may bago na tayong bola sa volleyball." sabi ni Hazel habang inaayos yung mga acrylic paints niya.  
    
    
   
[Ay oo! Nasabi na rin yan ni Patch sa akin. Galing mo ata pumili ng gift, Patch.]  
   
   
  
Sinadya ko naman na ang ireregalo ko sa kanila ay mga for sure na favorites nila.  
   
Gaya ng binigay ko kay Celestine, puro cosmetics. Kay Hazel naman, 8 color acrylic paints. Bola naman na pangvolleyball ang kay Jia. Hair brush at mirror naman kay Acey. Sketch book kay Mabel. Book naman kay Yuna. Stuff toy kay Lysa. At sa mga boys, bahala na.  
 
Kilalang-kilala ko naman silang lahat eh.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon