Mabel's PoV
Ayoko na!!!
Kanina pa ako dito paikot-ikot sa Art Club Room habang sumusunod sa inuutos nila Ford at Hazel. Huhuhu. Dinaig ko pa ang secretary eh."Mabel, paabot ng yellow paint."
Huhuhu!
"Eto oh Hazel..."
Kinuha naman ni Hazel yung paint sa akin.
"Thanks."
Napapagod na ako. Waahh--
Napatigil ako sa pagdadrama ng makita si Terrence na nakatingin sa akin. Huhuhu. Bakit kaya siya ganun?
"Ren? Bakit?"
Sinamaan niya ako ng tingin after kong magtanong. Nakakatakot siya oh!
"Huhuhu! Bakit Ren?"
"Ren ka ng Ren! Sabi ko sa'yo wag mo akong tatawagin 'non ah?"
"E bakit ka nakatingin sa akin?"
"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?"
/__\
"Hindi naman ako makakahinde sa kanila eh.""Tumakas kana lang. Atleast di nila malalaman."
Bad influence naman si Terrence eh.
"Hoy Ren, bakit mo inuudyok si Mabel ha?" biglang tumayo si Hazel atsaka sinamaan ng tingin si Terrence.
"Isa ka pa, Hazel."
"Hindi naman kita papansinin kung wala kang tinuturong kalokohan dyan sa kaibigan ko."
"Hindi 'yon kalokohan. Psh. Hindi ba kayo naaawa kay Mabel? Kanina pa napapagod yung tao sa pang-uutos niyo."
Huwag naman sana silang mag-away. Huhuhu.
"Hazel, Terrence, ano... huwag kayong mag-away--"
"E kung ikaw ang kumikilos dyan kesa si Mabel? Alalahanin mo, ikaw ang secretary."
"Sige na nga." umalis si Terrence sa inuupuan niya at lumapit siya sa akin.
"Labas."
"Huh?"
"Sabi ko lumabas ka ng club room!"
Bakit niya ako pinapalayas? T^T
"Waaah! Bakit mo ako pinapalayas? Huhuhu!"
"Pinapalabas ang sinabi ko."
"Huhuhu--"
"Ayan ka nanaman dyan sa 'huhuhu' at 'waah' mo."
Tumungo na lang ako para maiwasan na sabihin ang mga 'yon.
"Sige na. Alis ka muna dito sa Art Club. Ako na bahala sa ginagawa mo."
"Talaga?"
Tumango si Terrence kaya nagpasalamat ako ng todo sa kanya. Agad-agad akong dumiretso sa canteen para bumili ng pagkain.
Canteen
Wiiih~ Solo ulit ako dito sa canteen dahil hindi ko makita ang iba. Ayoko namang magyaya kasi baka busy sila Patch sa clubs nila."Kaso nakakalungkot ulit na mag-isa. Sana may dumating dito. Huwag lang si Lysa. Manghihingi nanaman kasi yun ng pagkain eh."
Nakatingin lang ako sa glass wall habang pinapanood yung ibang elementary students na naglalaro sa playground.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teenfikce[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18