Yuna's PoV
Monday na ngayon. Mag-isa akong naglalakad sa corridor nang biglang may tumawag sa akin."Yuna!" Si Lysa lang pala.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Bakit ang haggard ng itsura mo? Lunes na lunes at ganyan agad ang nakita kong kaitsurahan mo."
Noong mapansin kong nakajersey siya, ah, alam ko na ang rason kung bakit pagod na pagod ito.
"Maaga ang training namin ngayon. Rush hour kasi dahil may laban kami bukas."
"Oh, I see. Kaya niyo 'yan! Panalo na agad kayo sa laro for sure."
"Grabe naman. Nyahahahaha! Ikaw talaga. Pero, sana nga at manalo ulit ang school natin."
Nagtatawanan kaming dalawa nang biglang may dumating.
Si Dennis... Yes, si Dennis. Isa sa mga kaibigan ni Ford. At ang boyfriend ni Lysa.
"O girls, mukhang nagkakasiyahan kayo."
Ngumiti naman sa kanya si Lysa.
"Nag-uusap lang kami about sa laban namin bukas."
Tumango sa kanya si Dennis sabay hawak sa kanyang kamay.
"Hmmmp, talo na mga kalaban. Galing nang girlfriend ko e."
Pinalo naman siya ni Lysa sa balikat.
Patuloy lang kami sa paglalakad at lagi na lang ako napapatingin sa kamay nila.
Holding Hands...
Malapit lang naman ang classroom, naghoholding hands pa.
Mukha tuloy akong third wheel dito. :)
Napatapat kami sa canteen nang biglang may sumabay sa amin sa paglalakad.
"Hello guys!!!" masayang bati ni Mabel.
"Uy Mabel! Hello rin sa yo.!!!"
Sa barkada, sina Lysa at Mabel ang hyper. Parang laging walang inaalalang problema sa buhay. Laging masaya.
Pagkapasok namin sa classroom, umupo na ako sa upuan ko at binati rin sina Hazel.
"Oo nga pala Yuna, tingnan mo 'to."
May iniabot sa akin si Hazel na isang sketch book. Nang buklatin ko yon, napahanga na lang ako sa mga drawings.
"Ibang klase talaga si Hazel. Ang galing mong magdrawing. Kakainggit naman. Hanggang ngayon, pinapangarap ko pa rin na magaling ako sa Arts." sabi ni Lysa.
"Oo nga pala, para saan ba 'to?" tanong ko kay Hazel.
"Wala lang. Pinapagawa lang sa akin ni Patricia."
"Ah. Sipag mo namang magdrawing, kahit hindi kailangan sa school."
Ang cute naman nang cover, puro glitters. Siguro, si Patricia naglagay nito. Mahilig pa naman yan sa glitters.
Ibinalik ko na sa kanya ang sketch book at sakto namang dumating ang terror teacher namin sa Math.
***
Uwian Time
Nasa gymn ako ngayon at gaya nang dati... nakaupo lang ako sa bleachers habang nagbabasa nang libro.
"Lysa, medyo lakasan mo ang hampas sa bola kapag spike. Hindi laging nakakaabot sa kabilang court!" sigaw ni Jia kay Lysa.
Naglalaro lang sila nang volleyball. Tinetrain ni Jia si Lysa para bukas.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Novela Juvenil[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18