Hazel's PoV
"Ms. Condez, your grades are all fine. But you see, Values na lang pero napakababa pa. Next time, huwag nang makikipag-away, ok?"
"Yes, Ma'am."
"Pati sabi sa akin ni Mr. Consolacion, mag-aral ka nang mabuti sa Geometry. Mabuti naman at hindi naging 79."
Tumatango-tango lang ako sa adviser namin habang ineexplain ang mga nakuha kong grades ngayong first grading. Card giving na ngayon at ako ang kumuha ng card ko since may part time ang nanay ko. Mababa nanaman ako sa Math. Yung sinasabi ng adviser namin na grade kong mababa, 80 lang naman. Pero yung Values, naging 84 dahil sa awayan namin nina Lean noong last week ng August. -_-
"Here's the slip for our Field Trip sa Friday. Pabigay na lang sa mommy mo."
Umalis na ako ng classroom namin at umupo muna sa bench para hintayin si Patch. Nakasalubong ko kasi siya kanina at hintayin ko daw.
Fieldtrip pala sa Friday. Sasama kaya ako?
Ilang minuto lang ang lumipas nang makita ko si Patch kasama ang nanay niya. Lumapit sila sa akin at binati ko silang dalawa.
"Nay, una na kayo. Andito si Hazel. May pupuntahan lang kami."
"O sige. Mag-iingat kayong dalawa, ha?"
Nang makaalis na ang nanay ni Patricia, tumambay muna kami sa school.
"Congrats, rank 1 ka pa rin sa buong 3rd Yr." bati ko kay Patch habang tinitingnan ang card niya.
"Thanks. Buti na lang at hindi nakaapekto ang gulo dati sa rank namin ni Celestine."
Ibinalik ko sa kanya yung card niya. "2nd pa rin si Best?"
Tumango siya sa akin. "Unfortunately. Malakas pa rin ang kapit sa rank niya. By the way, sa friday na agad ang Fieldtrip natin 'no? Buti na lang may natira pa sa padala ni tatay sa amin. Kung hindi, paniguradong hindi ako makakasama."
"Parang ayoko nga sumama eh."
"Ano?! Bakit?! Huwag kang mabahala. Hindi ka naman siguro mahihilo ulit."
"Paano mo naman nasabi? Last year nga, sumama pa pakiramdam ko. Kaya pinag-iisipan kong mabuti kung sasama ako or hindi na lang."
"Sumama ka na! Bahala ka, ikaw magsisisi sa huli. Yung buong Tropang Cupcake Monsters paniguradong sure lahat sasama. Tapos ikaw lang ang kulang sa atin?"
"Bahala na, Patch."
"Ay basta, sasama ka sa ayaw o sa gusto mo. Para matapos na ang pinag-uusapang topic na 'to, punta na lang tayo sa FT Haus. Tinext ako ni Acey na doon sila nakatambay ngayon."
"Bakit daw? Hindi naman sila nag-announced na tatambay tayo sa café ngayon ah?"
"Mga nagutom siguro or kung hindi... Baka may pag-uusapan."
Food Trip Haus Café
"Hello Haze-Haze!" agad akong binati ni Mabel pagkapasok namin ni Patch sa café.
"Nasaan sila Yuna?" tanong ko.
"Wala sila dito kasi may mga pinuntahan." sagot ni Acey na kumakain ng cheesecake.
"Ah. Kaya pala nandito ang dalawang asungot, 'no?" baling ko kina Ford at Kean habang winawagayway ang mga kamay.
"Kabaliwan talaga nito ni Senior. Pati si Head Set Guy dinadamay mo pa sa mga kalokohan mo."
"Atleast hindi na masyado KJ!"
"Huh?! Kalokohan naman ituturo mo, ganon?"
"Hazel, huwag mo nang awayin si Kean." biglang salita ni Ford.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
