Chapter 73: Teddy Bear

55 2 0
                                        

Acey's PoV  
   
  
 
Kakahintay namin kila Patch at Celestine, nagdesisyon ng hanapin ni Terrence silang dalawa para makauwi na kaming lahat.

"Bagal talaga ng dalawang 'yon." reklamo ni Hazel habang kanina pa pinapaikot ang strap ng bag niya.

"Kanina pa nagpaalam si Best na hahanapin si Patch, ah. Ano ba 'yan."

"Dadating din 'yon. Baka may pinag-uusapan lang."

"E? Gaya ng ano?"

Nang maalala siguro ni Hazel yung nangyari kaninang recess time, tumigil na siya sa kakareklamo.

After a couple of minutes, nakabalik na si Terrence pero si Patch lang ang kasama nito.

"Waah! Huhuhu! Bakit parang umiyak si Patch?" angal ni Mabel sa tabi ko.

She's right. Bakit parang nag-iyak nga si Patch?

Nang makalapit na si Patch sa amin, inabutan siya ni Mabel ng tubig.

"Patch, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Lysa sa kanya.

Inilingan lang siya ni Patch kaya napatingin ako kay Terrence. "Hindi mo ba nakita si Celestine?"

"Magkasama sila kanina."

"Huh? E nasaan si Best?" tanong ni Hazel.

"She's with Luke."

Ano?!

"Si Luke?!" sabay naming sigaw ni Hazel.

"Bakit naman niya makakasama ang asungot na 'yon?!"

"They are going to talk something. Pwede na natin siyang iwanan."

Mas lalong nagwala si Hazel. Kahit ako ay against sa idea ni Terrence. The two are not yet ok. Baka mag-away lang silang dalawa.

"Y-You don't need to w-worry about Celestine. Si Luke na bahala sa kanya."

Ano yung sinasabi ni Patch? Seryoso ba siya?

"M-Magpunta na lang tayong FT H-Haus. We will e-explain everything."

We? Hindi lang si Patch ang nakakaalaam?

Lumingon ako kay Mabel dahil tahimik lang siya sa tabi ko. Si Hazel ay naguguluhan rin sa mga nangyayari.

May alam si Mabel sa sinasabi ni Patch? Pati ba si Dennis na tahimik lang din?

As we're on our way to FT Haus, hindi ito ang time para mapangiti sa nakikita ko.

Nakaangkas si Patch sa bike ni Terrence. Nakaharap siya sa amin pero nakatingin lang ito sa sahig. She's not on herself. May pinoproblema pa rin ba siya bukod yung tungkol kay Celestine?

After a short walk, nakarating na kaming lahat sa FT Haus. Sina Dennis at Lysa ang umoorder ngayon sa counter area. Bali si Terrence ang nagkukwento ng tungkol sa pagdating ni Luke.

"Nakasalubong ko si Patch last Saturday. Siguro 7 pm na 'non. That time, may napansin daw siyang anino dun sa tapat ng kanto ng W.A."

"Hala! Anino?! Katakot naman! Baka vampire yan!"

Akala ko mananahimik lang si Mabel dahil may alam siya tungkol sa pagdating ni Luke. Pero dapat hindi na ako nagtakha dahil sa pagiging OA niya. -___-

"Hindi totoo mga bampira! Be serious Mabel!"

Natahimik na lang sa tabi si Mabel dahil nakagalitan ni Terrence.

After scolding my best friend, nagpatuloy si Terrence sa pagkukwento.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon