Chapter 33: Need Explanations

59 3 0
                                        

Patricia's PoV  
  
   
  
Habang hinihintay na maluto ang kanin para sa hapunan, iniisip ko pa rin yung tungkol kina Luke at Celestine. Hindi ko alam kung ako lang ba ang may napapansing kakaiba sa lalaking 'yon dati pa.

Una pa lang, ayoko na kay Luke. Mula sa nature niya, being a casanova, nagsisimula pa lang ang pagiging player niya, nahalata ko na agad. Hindi ko lang masabi ito kay Celestine dahil mahal na mahal niya ito. Wala akong nagawa kung hindi umiyak na lang dati at inakala kong bibitaw na si Celestine sa barkada.

"Patchi, yung sinaing mo parang nasusunog na ata."

"Sinaing-- OO NGA!"

Pinatay ko agad yung kalan ng makaamoy ako ng may nasusunog. Sa pag-iisip ko dito, hindi ko na alam na napabayaan ko na pala yung kanin.

"Hay Patchi, ngayon ka lang nasunugan ng kanin. May problema ka ba ulit?"

"Wala Nay." Hindi naman siguro malaking problema yung tungkol sa dalawa.

"Talaga? Baka gusto mo ng sabihin sa Tatay mo na kicked-out ka na sa West Academy?"

"Nay, huwag kayong magbiro ng ganyan."

Tinulungan ko si Nanay sa paghahanda ng mga plato at kutsara.

"Nagbibiro lang ako dito, seryoso ka kasi masyado pagka-uwi mo pa lang kanina. Nag-away-away ba kayong magbabarkada?"

Inilingan ko lang si Nanay sa tanong niya. "Hindi po. Ok lang kami."

"Nagkamali lang siguro ako ng tanong. Sige tatanungin ulit kita, anong problema sa barkada niyo?"

Napag-isip-isip ko ulit yung tungkol sa dalawa. Hindi naman kami magkakagulo dito pati ang barkada nina Senior kung naging matino yang si Luke. Ano ba ang problema niya at tinatakasan kaming lahat? Kasama naman siya namin dati. Pero anong nangyari? Nasaan na siya? Kasama si Tracy, ano bang ginagawa nilang dalawa?

Ikinuwento ko kay Nanay yung problema kina Celestine. Pati na rin ang naganap na gulo sa pagitan ni Senior at Dennis. Hindi man siya sakto word for word, naintindihan naman ni Nanay.

"Akala ko nakipag-away ulit kayong lahat. Pero mula sa problema niyo, subukan talagang ipag-usap ang dalawa. Patchi, kung tutuusin hindi na siya problema sa barkada. Pwedeng kina Kean oo, kasi nagkaroon ng away mula sa kanya at yung sa boyfriend ni Lysa. You see, its really a relationship problem. Naiintindihan ko ang point mo, Patchi. Kung ano ang problema ng isa, problema na rin ng lahat. It will always be one of the rules in every peer group."

Natapos ang pag-uusap namin ng dumating yung dalawa kong kapatid at nagsimula ng maghapunan.

***

From: Hazel

Nag-away ang dalawa. Ikukwento namin sayo ang nangyari bukas.

Kailan kaya matatapos ang problema na 'to? Gusto ko ng sapakin si Luke dahil sa tinatrato niya sa amin at kay Celestine pero hindi ko magawa.

Ano pa bang pwede niya maging rason kung bakit niya kami tinatakasan? Bakit ba hindi na siya sumasama sa barkada at kina Ford? Bakit lagi na lang nasa tabi niya si Tracy? Niloko niya lang ba si Celestine?

AAAAHHHH! Puputi ang buhok ko sa sobrang pag-iisip! Mamaya nan bumagsak pa ako sa quiz bukas.

Next Day

Normal lang siguro sa estudyante na nasa top ang maboring minsan sa klase noh? Hindi naman sa tinatamad akong pumasok pero parang napapansin kong kaunti lang ang mga studyante sa school. Medyo maaga pa naman ako ng 1 hr before the time.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon