Chapter 26: Runaway

61 3 0
                                    

Acey's POV

Nakarating ako sa FT Haus bago mag-1 pm. Nagulat ako ng makita si Celestine sa loob ng cafe habang umiinom ng frappe. Bakit siya nandito?

Pupunta muna sana ako ng comfort room pero lumapit na lang ako sa kanya.

"Mag-isa ka lang dito?" tanong ko kay Celestine.

Umupo ako sa bakanteng upuan na katapat niya. "I'm waiting all of you. Napaaga ba ako?" Wait, kasama siya?

Napatigil kami saglit sa pag-uusap ng biglang lumapit si Ate Jane na may bitbit na tray at naglalaman iyon ng 10 drinks at 10 desserts.

"Celestine, eto yung para sa iba."

"Thankies Ate Jane!"

Nginitian lang ni Ate Jane si Celestine bago umalis.

"Don't be shy Acey. Kuha ka kung anong gusto mo."

"Sinong nanlibre?"

May umupo naman malapit sa akin at sina Kean at Ford yun.

"Kanina pa ba kayo sa FT Haus?" tanong ko sa kanila.

Kumuha si Kean ng cappuccino at isang strawberry flavored crepe. Sa akin naman ay isang ordinary cheesecake at frappe.

"Oo, kanina pa kami nandito. Umagahan hanggang tanghalian." sagot sa akin ni Kean.

"Akala ko ba 1 pm ang call time? Sobrang aga niyo naman."

"Sadyang 1 pm ang call time para sa Tropang Cupcake Monsters. Nagpaaga lang kami nina Ford at Dennis para abangan si Luke kung sakaling tumambay dito."

"Nandito rin si Dennis?"

Tumango naman ang kababata ko sa akin. "Lumabas sila saglit ni Lysa. May bibilhin daw sa tindahan ng school supplies sa tapat."

Ibig sabihin hindi pala ako maaga ngayon.

"Si Hazel?"

"She'll be here after a minute."

Matapos sabihin yon ni Ford, bumukas ang pinto ng cafe at iniluwal ang isang babae na napakataas ng pagkapony sa buhok.

"Late na ba ako?"

"What did I told you last time?"

Umupo si Hazel sa tabi ni Ford at agad na kumuha ng milk tea. "Sharp 1 pm. Uso naman Filipino time kaya medyo nalate. Hindi naman siguro yun big deal sa inyo noh? By the way, salamat sa libre." So, si Ford pala ang gumastos.

Tatlompung minuto ang lumipas bago kami nakumpleto. Hindi naman mainitin ang ulo ni Celestine ngayon pero parang may hinahanap siya sa loob ng cafe. Sina Dennis at Lysa naman ay ayos lang sa isa't-isa.

"Wala pa rin akong balita na nakukuha mula kay Luke. Nasabi ko na rin 'to kay Gio dahil sila naman ang laging magkasama ngayon. Pero wala naman ginagawang kahina-hinala ang dalawa."

"Senior, bakit kaya si Gio naman ang lagi niyang kasama ngayon noh?" tanong ni Hazel.

"Huwag kang mag-alala sa pangit na yon. Isa pa, parang spy na natin si Gio. Babalitaan niya tayo kapag may ginagawang masama si Luke."

"Kapag walang kwenta yang si Gio, ilalagay ko rin siya sa black list ko."

"Huwag ka naman ganyan Hazel. Relax! Relax ka lang ha? Ang lamig sa loob ng cafe tapos iinit lang ulo mo. Baka magtampo ang aircon. Chill ok? Chill!"

"Chill mo mukha mo! Paano ako magrerelax at magpapaka-chill dito eh concern lang ako sa best friend ko."

"*ehem*" Natahimik naman sila ng kunwaring umubo ako. Mag-aaway nanaman kasi.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon