Chapter 43: Their Reactions

48 3 0
                                    

Hazel's PoV 
  
 
  
Nakapikit pa rin ako habang may kinakapa sa higaan. Hindi ko kasi mahanap yung neko pillow ko. Favorite ko kasi yung stuff toy at gusto kong kayakap siya habang natutulog.

"Nasaan ba-"

Pagkamulat ko, may natanaw akong lalaki na nakatayo sa gilid ng kama.

"Good Morning, Miss SG."

A-Anong ginagawa niya dito?!

"P-Paano ka nakapasok sa loob ng bahay?! At dito sa k-kwarto ko?!"

"This is not your room. It's one of our guest rooms inside our mansion."

Inilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto. Ay oo nga pala, sa kanila pala ako natulog.

Hinigit ko yung kumot na ginamit ko kagabi sabay dinuro si Ford.

"AAAAHHHH! Akala ko nananaginip lang ako kagabi! Totoo ka pala! Pati ito... ito... itong lahat!" Sabay turo ko sa buong kwarto.

"This isn't a dream. Bumangon ka na dyan. Breakfast is ready downstairs."

Dinning Area

Yung dalawang maids lang na kausap ko kahapon ang nakikita kong palibot-libot sa bahay.

Oo, nasa dinning area na kami ng mansyon. Expected na mahaba ang mesa. Rich e. Pero hindi naman kasing OA na parang pang-royalties o pang-first family. Basta yung tama lang, ganun. Eksakto lang sa 12 people.

Nagtatakha lang din ako sa mansion na 'to at sa 'Young Master'. Obvious naman na sobrang yaman nila. Kaso.... Parang nakakalungkot rin kung ganito kalaki ang bahay mo pero wala ka laging kasama, di ba?

"Ford, hindi ka ba nalulungkot na wala ka laging kasama dito?" Ako nga nalulungkot kasi yung mommy ko lang ang kasama ko sa bahay. Tapos siya? Iisa lang. Minsan may mga maids, pero iba pa rin kapag buong family ang kasama mo.

"I'm already used with it. Sanayan lang yan."

"Sabagay, sanayan lang."

Kung tatanungin niyo kung magkatabi kami, well... Hindi. Magkalayo kami ng inuupuan dito. Magkatapat. Parang magkalaban.

Ineenjoy ko lang yung breakfast ngayon dahil ang sarap-sarap ng mga pagkain! Ang daming nakahanda sa mesa kahit dalawa lang kami ang kumakain. Parang fiesta. Tapos, di ko pa alam ang tawag sa ibang pagkain. -___-

"Kahit kainin ko lahat ng mga pagkain dito, parang hindi pa rin ako tataba e."

"You don't have to eat all the foods on the table. Yung kaya mo lang."

"Titikman ko lahat yan." Wahahahaha! Masarap kaya kumain... Kahit na hindi tumatalab yung carbs. -___-

"By the way, you should now start talking about the number you asked last night." Muntikan ko na ulit makalimutan yon! Salamat kay Headset Guy kasi naalala niya.

Naalala... niya? It means... ready niyang sagutin ang mga ni-ready kong tanong about sa unknown number?

Tapos na pala si Ford sa pagkain kaya gusto na niyang pag-usapan yung unknown number. Kinuha ko sa bulsa ng palda ko yung phone at saka ini-slide sa table papunta sa kanya. Actually kaya ako nakapalda kasi dahil sa agad-agad akong sumugod dito kagabi, hindi na ako nakapagpalit ng pambahay. At naitulog ko na rin ang uniform ko. Tch.       
       
      
Bakit nga ba ako naka-uniform kahit Sportfest namin? Eto lang ang sagot dyan. Hindi kasi ako varsity player. -____-    
      
      
Habang namimili ako ng dessert sa mesa, nakita ko si Ford na parang seryoso na nakatingin sa phone ko. Back to normal na siya since kanina. Mukhang nawala na talaga ang sakit niya.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon