Hazel's PoV
"Napakabagal naman ni Celestine! Nakatulog na ata sa cr."
Nagrereklamo na si Acey kakahintay kay Celestine. Nagpaalam kasi siya sa amin na magccr muna bago kami umuwing sabay-sabay. Isang oras na ang nakalipas, nandito pa rin kami sa classroom at hinihintay siya.
"Baka naman nakidnap na 'yon! Patay, wala tayong pangransom!"
Ayan na naman ang kabaliwan ni Mabel.
"Tumigil ka nga sa mga doubts mo! May pakidnap-kidnap ka pang nalalaman, tsk."
"Sorry naman! Concern lang ako sa kaibigan natin! E ikaw?"
Umiling na lang ako. Kung anu-ano na naman ang mga sinasabi niya.
"Si Yuna, nauna nang umuwi, may curfew daw. Ang dalawa naman, kailangan na sa volleyball training."
Apat na lang kaming natira sa room. Ilang minuto na lang 5 pm na.
Napalingon ako kay Mabel habang hinihila ang sleeves ng uniform ko.
"Baka may nangyari nang masama sa kanya!"
Kahit kailan talaga, napaka-OA ng babaeng 'to.
Hinila ko ang sleeves ko mula sa kanya at sabay tingin ng masama.
"Pupuntahan ko lang 'yon sa cr."
Tumango lang si Patricia. Nang akmang lalabas na ako ng classroom, nakarinig ako ng yabag ng mga paa.
Sumilip ako sa labas at nakita si Celestine na tumatakbo palapit sa classroom.
"Ang tagal mo! Akala--"
*Booggsshhh*
Sumalampak kami sa sahig dahil sa impact. Pambihira namang kamalasan 'to!
"Bakit ka ba tumatakbo sa hallway?! Ugh! Arr-rray... "
Napahawak ako sa braso ko. Ang sakit. Nagkaroon ito ng pasa pagkatapos naming magkabungguan ni Celestine. Nauna kasing bumagsak 'to.
"Nako best! Sorry!" sabi ni Celestine sabay hug sa akin.
"Lumayo ka muna! Naiipit ang braso ko!"
Agad naman siyang humiwalay sa akin at inalalayan akong tumayo.
"Sorry talaga..."
"Don't worry, buo pa mga buto ko."
Nakita kong lumapit sa amin sina Patricia.
"Ayos lang kayo?"
"Nagkapasa yung kanang braso ni Hazel gawa ng pagkakabagsak niya sa sahig kanina."
"Ayos lang ako guys. 'Wag na kayong mag-alala."
Nagulat ako nang yugyugin ako ni Patricia.
"Sure ka Hazel?! Baka may internal bleeding na nangyayari sa'yo!"
Huh?
"Kilala mo pa ba kami Hazel?! Ako 'to si Mabel! E sila nakikilala mo?! Kami 'to Hazel, ang tropa mo!"
Sumimangot ako dahil sa mga sinabi ng nagsalita. Pati ba naman si Patricia, nahawa na rin sa ka-OA-yan ni Mabel. Napakagandang katauhan ng mga kaibigan ko.
"Gaga, braso ko lang ang naapektuhan ng napakaganda kong landing sa sahig. At isa pa, hindi napahataw ang ulo ko."
Tumango-tango lang ang dalawa. Mga baliw.
Ngayon naman. Ang pinupuntirya ng dalawa ay si Celestine.
"Hoy hoy hoy! Ok nga sabi ako! Wala akong galos, see?" sabay taas ng parehong kamay ni Celestine.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Novela Juvenil[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
