Lysa's POV
"May gusto ka pa ba?" tanong sa akin ni Love (Dennis) habang tumitingin-tingin sa menu.
"Ay oo Love! Parang gusto ko ng marshmallow! Tapos Stick-O--"
"Walang tindang mga marshmallow at Stick-O dito."
"Ah alam ko na! Red velvet--"
"Ang dami mo ng piniling desserts. Wala ka bang balak kumain kahit pizza?"
"Love, hindi naman kasi ako nagugutom eh. Kung gusto mo, iorder mo na rin ako ng pizza. Baka kasi magtampo ka ulit kapag tumanggi ako."
Kinuha ko yung tissue sa table at tinutupi ko hanggang lumiit.
"Kakainin mo ba?"
"Take out. Para may makain ako sa bahay pagkauwi natin."
"Huwag na. Iimabakin mo na naman panigurado yun sa ref. Tapos iba magugustuhan mo pagkauwi mo. Kilala na kita."
"Pero--"
"Marami kayong pagkain sa bahay."
"Eh--"
"Sige, desserts na lang. Love."
Patayo na sana siya at oorder na sa counter ng pigilan ko siya.
"Bakit?"
"Galit ka ba sa akin?"
"Hindi."
"Bakit parang--"
"Oorder na ako--"
"Love--"
"Lysa."
Hinayaan ko siya na umorder dahil mag-aaway lang ulit kami.
Kung iisipin ko, naging makulit ba ako kanina? Hindi naman di ba? O baka nagtatampo lang siya sa akin? Pero bakit naman siya magtatampo? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?
Nakabalik na siya sa table namin at may bitbit ng isang tray na puro desserts ang laman. Ang kakaiba lang ay lasagna dahil favorite niya yun.
"Love..."
"Bakit na naman?"
Napatungo na lang ako dahil napakaseryoso niya ngayon. Galit nga talaga siya.
Pagkatapos niyang ilagay sa tapat ko lahat ng desserts na pina-order ko, inilagay niya sa kabilang table na walang tao yung tray.
"O, bakit wala ka atang gana kumain dyan?"
"Eh kasi--"
"Kain."
"Mamaya na lang."
"Hindi na masarap ang ice cream kapag tunaw na."
"Hindi naman nag-iiba ang lasa ng ice cream kapag natunaw na. Ganun rin naman yon di ba? Nag-iiba lang siya ng shape."
"Hindi ka ba talaga kakain? Gusto mo bang kuhanin ko yan lahat?"
Waah?! Aagawin niya sa akin mga desserts ko!
Agad kong kinuha yung kutsara na nakapatong sa isang plato at kinuha yung ice cream.
"Magdahan-dahan ka sa pagkain."
"Wala akong pakialam sa brain freeze!"
"Lysa--"
Halos isang minuto lang ay naubos ko na yung ice cream. Inilapag ko yun sa table at tiningnan siya.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
