Patricia's PoV
Tumaba nga kaya ako? Totoo kaya yung sinabi ni Celestine?Minsan di naman kapani-paniwala ang mga sinasabi ng bruha na 'yon. Pero paano na lang kung hindi siya nagsisinungaling? Masyado na ba akong mataba?
"Guys, CR muna ako." paalam ko kila Acey. Kailangan kong tingnan ang aking mukha. Baka napapabayaan ko na ang sarili ko at hindi ko pa alam yon.
"Patch! Sama ako!" sigaw ni Mabel.
"Wag na. Madali lang ako."
Agad-agad akong lumabas ng classroom. Habang nasa hallway, kita ko sa glass wall ng school ang fountain sa baba. Napansin ko rin sila Hazel at Ford na nag-uusap.
Umiling na lang ako atsaka nagmadaling pumasok sa cr.
CR
"Tama nga si Celestine, mas lalong naging chubby ako ngayon!"Dahil siguro 'to sa mga chocolates noong May. May pinadala kasi si Tatay na package tapos ang daming chocolates na laman.
"Kainis! Nakakainis! Hindi na ako kakain ng chocolates kahit kailan!"
Naalala ko tuloy na may mga bigay sila Acey na chocolates.
AAHHHH!! Ano ng gagawin ko para mabawasan naman ang aking weight? T^T
Tanggap ko na yung height at skin tone ko. Pero may pag-asa pa naman siguro na mabawasan ang weight ko, di ba?
Bakit kasi ang hirap pumayat? Bakit ang sarap kumain? Bakit ang sakit sa feeling na ang liit mo na, ang chubby mo pa?
T^T
May naririnig akong labag ng mga paa kaya agad kong pinatay ang ilaw sa CR atsaka inilock ang pinto.
"Huh? Bakit sarado 'to?""Sa 2nd floor na lang kaya tayo magCR? Mukhang walang ilaw sa loob eh."
"Sure. Baka may makita pa tayong multo dyan kapag pumasok pa tayo."
"Gosh! Goosebumps oh! Tara na. Natatakot na ako."
Humina na yung yabag ng mga paa at siguradong nakaalis na ang mga schoolmates ko. Binuksan ko yung ilaw pero hindi na ako lumapit sa salamin. Natatakot na rin ako dahil sa mga sinabi ng babae kanina!Makaalis na nga dito.
Nagulat ako ng biglang kumurap yung ilaw.
Sh*******t! Ayoko na dito!
Patakbo akong lumabas ng CR ng sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakabungguan akong tao.
Ang malas naman!
"Miss, pwede bang tumingin-tingin ka sa daan? Nakita mo naman siguro ako na papalapit pero ang tanga mong mabunggo ako."
Ang sakit naman ng mga sinabi niya!
"Wow, hindi naman siguro ako mabubunggo sayo kung nakita kita. At oo nga pala, hindi ako ang tanga. Ikaw yon."
Pampadagdag pa siya sa problema ko.
"Anong sabi mo?!"
"Wala! Sabi ko aalis na ako!"
Napansin kong tinanggal niya ang kanyang shades kaya nagulat ako ng mamukhaan siya.
Jeez, siya yung transferee sa section namin!
"Akala ko ba aalis kana?"
"H-Ha? Ano?"
"Ano na?!"
Nataranta akong umalis sa daan atsaka naggive way na padaanin siya.
Nakakairita ang lalaki na 'yon.
Classroom
"Patch! Hehehe, may tubig ka? Penge ako. Ubos na sa akin eh.-- Huh? Bakit badtrip ka?"

BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Genç Kurgu[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18