Patricia's PoV
Heto na naman ako sa pakain-kain ng mga sweets. Tapos magrereklamo kinabukasan dahil mangangamba sa pagtaas ng weight.Hindi ko na lang pinansin yung naisip ko dahil ayoko namang maging kj ngayon. Dahil d'yan, pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng cake na pinag-ambagan naming magbabarkada.
Birthday ni Hazel ngayon. Marami kaming prinepare na mga pagkain para sa surprise. Dahil maraming pagkain, matatakam na naman akong kumain ng marami. Kapag marami akong kinain, dapat hindi na ako magtaka kapag nadagdagan na naman ang timbang ko.
Promise, hindi na ako kakain ng marami bukas. Ngayon lang 'to.
Habang kumakain, nakahiwalay sa aming lahat sila Ford at Hazel na abala sa pagkukwentuhan.
It's nice to see them together again. Ilang months nawala si Ford sa West Academy. For sure, nakaramdam ng pagkamiss si Headset Guy sa Miss Sadista Girl niya kaya meron silang moment ngayon. Sus! Para naman sa kaibigan naming may bato na puso, as if namang hindi rin ganun ang nararamdaman niya.
Nawala ang atensyon ko sa dalawang love birds nang makita ko sa isang tabi si Terrence habang tuwang-tuwa sa kinakain na chocolate cake.
Ano ba 'yan! Ang dami-dami namin dito sa rooftop tapos siya agad yung una kong napansin.
Nakakainis nga 'yan kanina eh. Lakas mang-utos sa akin. Nang utos na nga ako sa iba, aba't nakuha niya ring utusan ako?!
Ang masaklap pa, hindi ako maka-hindi sa utos niya dahil kasama ito sa surprise birthday plan ni Ford para kay Hazel.
Flashback...
Matapos kong sabihan ang barkada na huwag ipaalam sa iba ang birthdate ni Hazel, hindi ko alam kung paano nalaman ni Ford ang tungkol dito."Sino pinagtanungan mo ha?" medyo naiinis kong tanong kay Ford. Parang kanina ko lang sinabihan sila Celestine tapos nalaman na niya agad yung sikreto namin?
My God. Ibang klase 'tong si Ford.
"I visited my aunt's office to search for her student profile. Our birthdays are always written on our student records that's why I'm lucky enough to know when she was born."
Asa. As if namang nahanap niya ang tunay na student profile sa office ni Mrs. Flores. Ang hindi niya alam, nakumbinsi ko ang principal na itago muna ang student record ni Hazel.
Close ba kami? Nope. Nagkataon lang na pinayagan ako sa suggestion ko para hindi na daw mangialam ng mga gamit si Ford sa office. Alam kasi ni Mrs. Flores na nanliligaw si Ford kay Hazel. Dahil may gusto ang pamangkin niya sa kaibigan namin, dito niya rin nalaman kung bakit laging nagagalaw ang mga student records sa cabinet niya. Talagang kinikilala niya si Hazel ha.
Kahit pamangkin si Ford ng may-ari ng school, wala pa rin siyang karapatan na mangialam ng mga student records. Labag sa school rules 'yon eh. Isa pa, estudyante lang siya at hindi authorized personnel. Tsk tsk tsk.
"Oh, tapos?"
"I already come up with a plan for her birthday party. Don't worry, it's just a simple one since we know that she's not fond of big celebrations. By the way, sorry for disturbing you once again."
Psh. Yun lang pala.
"Sige na. Sabihin mo na plano mo."
Ipinaliwanag ni Ford yung mga plano niya para sa birthday party ni Hazel. Bago ako bumalik sa classroom, nagbigay siya ng malaking halaga ng pera para sa total na gastos na pwede naming abutin sa surprise.
![](https://img.wattpad.com/cover/20760772-288-k752663.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18