Chapter 80: Fountain

57 2 0
                                        

Hazel's PoV

Alas singko pa lang pero gising na ako. Nakatulala lang ako sa kisame habang may iniisip.

Dahil sa pag-iisip, bigla kong naalala ang diary ko na nakatago sa cabinet.

Bumangon ako mula sa kama at naghalungkat sa cabinet. Nang makita ko na yung diary, bumalik ako sa higaan at binuklat iyon.

Last year pa ang huli kong entry dito. Matagal-tagal ko na palang hindi nakakapagsulat. Bakit ngayon ko lang 'to naalala?

It's been a while diary. Nakapagsulat pa ako sa'yo bago mangyari yung pinakamatinding challenge ng barkada this school year.

We entered fourth year high school with revelations, fights and tears. Dito ko lubos na nailbas yung lakas ko sa pakikipaglaban.

Dito ako maraming beses na umiyak. At dito ko nahanap yung rason kung bakit kami naging magkakaibigan.

3rd Yr was very different compared from our last year in high school.

Nakilala namin yung echoserong si Terrence na kilala namin sa una bilang si Ren. May gusto pala kay Patch, di agad umamin. Daming nalalaman na plano.

Isa pa 'tong si Luke. Akala mo na nagbago na. Sinaktan niya ulit bff ko ha. Pero magbabago na daw siya. Sige lang, bigyan ng third chance. Kapag naman inulit niya ang pananakit sa bff ko, sisiguraduhin kong di na siya sisikatan pa ng araw.

Eto namang si Dennis, medyo nagbago na rin. From being serious and bad mood all the time, naging kalmado na minsan. Tapos napapansin ko, medyo sweet na sila ni Lysa. Ano kaya nakain non?

Next naman si Senior. Oo, senior pa rin tawag namin sa kanya kahit freshman siya sa college. XD Ayun, nagmukhang tao. Stay strong pa rin sa friendship nila ni Acey. Kailan kaya maglelevel up ng dalawang 'yon? Hindi pa dineretso eh.

Si Gio naman, mabuti ang lagay dun sa Seoul. Uuwi nanaman ang koreanong 'yon next week. Syempre, ayaw mawala sa graduation ng girl friend niya.

Ok naman si kuya Sep. Kaso mukhang lagi na lang seryoso. Ewan ko ba dun, di na nga nagbibigay ng Tang orange juice eh.

School

Muntikan pa akong malate matapos kong magdiary noong madaling araw. Nakatulugan ko kasi ang pagsusulat at ng magising ako... aba 7:30 am na!

Di man lang ako ginising ng mommy ko. -____-

Paakyat pa lang ako sa classroom ng makasalubong si Patch. As usual, buntot si Terrence.

Si Patch pa rin yung pinaka-da best naming leader since birth. To my surprise, magkaibigan pala sila ni Lean before. Not just ordinary friends but best friends pa. Hayyy, sadyang ganyan sa friendship. Minsan nagtatagal, minsan hindi. Sana at huwag na silang lagi mag-away ni Terrence. Pati ni Best.

"Patch."

"Ay potek!!!"

Nasalo agad ni Terrence yung test tube rack na bitbit ni Patch. Nagulat kasi siya ng makita ako.

"Ano ba Hazel! Babati kana nga lang tapos wala pang kabuhay-buhay!"

"..." nakatingin lang ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko na problema kung ganto ako bumati.

"Lagi na lang akong nagugulat sa'yo!"

Si Patch na yung naunang umakyat kaya naiwan kami ni Terrence.

"Ano naman problema ng future GF mo?" tanong ko kay Terrence.

Nagkibit-balikat ito at saka inayos ang pagkakadala sa rack. "Baka meron kaya ganun."

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon