Hazel's PoV
"Hindi ko nga sinabi di ba?! Ano ba yung ikinagagalit mo ha?!"Napupuno na ako dito dahil sa kaka-explain sa lecheng asungot na 'to ng lahat. Ayaw niya kasing maniwala sa akin na hindi ko pa nasasabi kay Patch yung tungkol sa isa pang lecheng asungot na si Ren.
Noong una, hindi ko alam kung ano yung pinaplano nila sa amin. Iniexplain naman ni Ren ang lahat-lahat para hindi namin sila paghinalaan ng masama. Masisisi mo ba kami kung paghihinalaan namin sila ng masama? Concern rin naman ako kay Patch.
Si Patch kasi yung bidang-bida sa bibig ng nerd na yun eh. Hay nako, nasira tuloy ang image niya sa akin dahil sa pagreveal lang ng totoo niyang sarili.
"I'm not angry with you Hazel. Pinapaulit-ulit ko lang ang lahat para hindi ka madulas sa mga alam mo tungkol sa kanya. Can't you just listen to everything I will say? Hindi tayo magkakagulo kung makikinig kana lang sa akin."
"Sa totoo lang Headset Guy, hindi pa ako nasesermonan ng nanay ko di gaya ng ginagawa mo sa akin. Paulit-ulit na lahat ng sinasabi mo. Alam ko naman eh. Kaso nakakarindi kana. Ang sakit sa tenga ng paulit-ulit kang pinagsasabihan."
"Then fine! Just keep your mouth shut before I ripped out that tongue of yours from you."
At nagwalk-out na si Ford Luis Reyes.
Great! Hu. Hu. Hu. Natakot ako sa threats niya, grabe. As if namang magagawa niya yon sa akin.
High blood masyado ngayon. Napaka-moody pa. Dinaig pa yung pusa na bagong anak.
-_-
Classroom
"Sorry late ako."Well, naunahan na pala ako ni Ford pumasok sa classroom. Busy lang naman siya sa pakikinig sa music kasama ang basura niyang headset. May sarili nanaman siyang mundo.
"O bakit bad trip ata si Patch ngayon?"
Ang daming madramang tao ngayon ah.
Una, si Ford.
Pangalawa, si Patch.
Pangatlo, si Dennis (usual naman yun magalit eh).
Pati rin ata si Luke, parang seryoso rin.
"BEST! *huff* *huff* Nandito kana pala sa room. Kanina pa kaya kita hinahanap."
Hagard ni Best ah.
"Bakit naman?"
Sabay kaming umupo sa mga proper seats namin.
"Acey texted me." sabay turo niya kay Patch na ang ibig sabihin, nasa kanya yung problema.
"Anyare daw?" tanong ko.
Di ko kasi alam na tinext ako ni Celestine eh. iPod Touch yung dala ko ngayon. Naiwan ko sa bahay yung phone ko kaya di ko nabasa text niya.
Habang nagkukwento si Celestine, napansin ko yung blouse ni Patch na may mantsa.
"Ayun ba yung problema?" turo ko sa blouse ni Patch. Medyo mahina lang kami na nagkukwentuhan ni Best dahil
baka kami marinig ni Patch at pati ang mga asungots sa likod.Matapos magkwento ni Best, may dumating na lalaki sa loob ng classroom.
Aba, naka-disguise siya ngayon ah.
"He's back being Ren." nakita kong nakasulat sa notebook ni Acey ng iangat niya ito.
Matapos ang ilang minuto, dumating na ang next subject teacher namin at inannounce na cancelled ang classes mula ngayong oras hanggang hapon.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Fiksi Remaja[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18