Chapter 57: War Game

60 2 0
                                    

Patricia's PoV  
 
  
   
"Patchi, ikaw na bahala sa mga kapatid mo ha."

"Opo Nay."

"Sige, punta kana sa tindahan. Aalis na ako."

Pupunta kasi si Nanay ng palengke para bumili ng mga kailangan niya sa lulutuin na pagkain mamayang tanghalian. Hindi na 'to bago sa akin dahil madalas ipabantay sa akin ang mga kapatid ko kapag aalis siya ng bahay.

Kaso ngayon na lang naulit 'to. Bihira na kasi ipabantay ni Nanay sa akin ang mga kapatid  ko dahil medyo busy na sa school.

"Ang init naman ngayon." binuksan ko yung maliit na electric fan para mabawas-bawasan ang init dito sa tindahan.

Matagal pa naman siguro dadating si Nanay. Makapagreview na lang kaya muna.

Habang nagrereview, may naririnig akong kaluskos sa labas ng tindahan. Ano yon?      
       
      
         
Pagkadungaw ko sa labas...       
           
         
    
May bata. Hmmmp, mukhang rich kid. Pormadong-pormado eh. Tapos naka-jansport pa na bag at nakasuot ng converse shoes.

"Excuse me, bibili ka ba?" tanong ko dun sa bata.

Busy kasi siya sa kakakutinting ng lighter na nakasabit sa bintana ng tindahan.

"Huwag mong paglaruan yan. Delikado para sa isang tulad mo ang lighter."

Pero di man lang ako pinapakinggan ng batang 'yon. -_-

Dahil ayaw tumigil ng bata sa ginagawa niya, nagdesisyon na akong lumapit sa kanya atsaka hinigit ang lighter.

"You're so mean!" naiinis niyang sabi sa akin.

Spokening dollar pala si Baby boy.

"No, I'm not. Alam mo bang delikado maglaro ng lighter?"

"Give me back that fire!"

"May pa-fire-fire ka pang nalalaman. Toy, lighter tawag dito. Pati hindi ka pwede maglaro nito. Baka masunog mo pa ang tindahan namin."

"That?" sabay turo niya sa tindahan namin.

"O, anong meron sa tindahan namin ha?"

"I thought bahay siya ng dog."

Aso?! Ang laki-laki ng tindahan namin para maging bahay lang ng aso. -_-

"Bakit mo naman nasabi na bahay ng aso 'to?" Sabay turo ko sa tindahan.

"Because it's so stinky."

Iniinis na ako ng batang 'to ah!

"Kung hindi ka naman bibili dito, pwede bang lumayas ka na?"

Sinamaan niya lang ako ng tingin atsaka binelatan ako. -_- Kapag bata nga naman. Psh.

"Isusumbong kita sa Kuya ko! I will tell him that you're scolding me without any reason!"

Tinatakot pa ako. "Lakad. Sinong tinakot mo?"

At umalis na yung bata. Mabuti na lang at nakapagtimpi pa ako dito. Swerte niya, bata lang siya.

Pero sa hindi ko inaasahan, nakita kong papalapit nanaman yung bata kanina at may hila-hila na siyang lalaki na halos kasing edad ko lang.  
   
   
   
Teka, kilala ko yung kasama niya ah!  
   
   
   
"Nasaan yung sinasabi mong manang?" tanong ng kasama ng bata.

Tinuro naman nung bata yung tindahan kaya lumabas ako.

"Ikaw, bibili ka rin ba?" tanong ko sa lalaking kasama ng bata. 
   
   
   
Nakakainis! Small world nga naman.  
   
   
    
"Siya ba, Aus?" turo sa akin nung lalaki.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon