Acey's PoV
Panibagong araw na naman. Papunta na ako sa school at naglalakad mag-isa dito sa gilid ng kalsada.
Oo nga pala. Nagtataka ako kahapon kung bakit hindi na ako hinintay ni Kean. Akala ko pa naman, sabay kami uuwi.
Naglalakad ako ngayon sa may kanto nang makita ko ang isang babae na may violet na bag. Aba, nauna siya sa akin ngayon. Himala.
Siguro, inagahan ang time ng alarm. Tutal, hindi na kami magkasabay kapag papasok sa school.
Si Mabel nga, hindi ko na hinintay sa kanila. Nang pumunta kasi ako sa bahay nila, 5 minutes ago, ang naabutan si Tita. Tinanong ko sa kanya kung nasaan na si Mabel. Kasi kapag hinihintay niya ako, nasa veranda na agad siya ng kanilang bahay.
Kaso ang nangyari gayon, tinanghali ata ng gising ang bruha. Kaya ayan, no choice na iwanan ko na lang.
Sa kabilang kanto lang ang bahay ni Hazel. Si Mabel naman ang kapitbahay ko.
Sa kadadaldal ko, malayo na pala sa akin ang babaeng may violet na bag.
Aish.
Agad naman akong tumakbo palapit sa kanya.
"O Hazel, anong nakain mo at ang aga mo ngayon?"
Nginitian niya ako sabay hawak sa strap ng bag niya.
"Good Morning din sayo."
Napatigil ako sa paglalakad. Seryoso... ba't ang saya-saya ng babaeng yon? Nakakapanibago.
Ilang minuto ang lumipas at lumakad na rin ako.
"Inspired si friend."
School
Kakaunti pa lamang ang mga estudyante sa corridor dahil 7:11 am pa lang naman.
Nang makapasok na ako sa classroom namin, laking gulat ko ng makita si Mabel na kausap si Patricia.
"Hi Acey!" masiglang bati ni Mabel sa akin. Tss, hyper.
Inilapag ko ang mga gamit ko sa upuan ko at tumabi kina Patricia. Nasa hulihang row kasi sila. Kami kasing magbabarkada ay nasa ibang row ang mga proper seats namin.
Tumingin ako sa kanan ni Patricia, kung saan nakaupo si Hazel, na katabi si Ford.
Tsk! -_-"
Nangalumbaba ako at sinamaan ng tingin si Mabel.
"O, bakit ka ganyan makatingin?" taka niyang tanong.
Umirap ako at tinignan siya ulit.
"Pumunta kaya ako sa bahay niyo kanina. Psh. Sabi pa nga ng nanay mo, natutulog ka pa raw. E bakit andito ka agad?"
Agad namang sumabat si Patricia. "Baka nag-over-panic si Mabel. O kaya, nagkaroon ng andrenaline rush."
"Grabe naman ang kanyang andrenaline rush! Dinaig pa niya ang bampira sa sobrang bilis."
Nagshrug lang siya mula sa mga sinabi ko kanina. Tinignan ko ulit ng masama si Mabel.
"Uhmm, siguro akala ni Mama, nasa kwarto pa ako ng mga oras na yon. Maaga kasi akong umalis sa amin. Sa Food Trip Haus na nga lang ako nag breakfast e. Magpapaturo kasi ako kay Patch ng assignment natin sa Chem."
Napataas na lang ang kilay ko.
Pero nakakapagtaka lang sa naging expression ng mukha ni Patricia ng marinig niya ang cafe.
"Kayong tatlo dyan, anong problema?" biglang singit ni Hazel sa usapan.
Nagcross arms lang si Patricia at tinignan ang isang Chem book. Habang si Mabel, nagdoodle na lang sa notebook niya. Aksaya sa papel. Psh.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Jugendliteratur[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
