Acey's PoV
Today is Special Holiday. Walang pasok, obvious naman.
Nasa na ako bahay ngayon habang naglalaptop. Actually, kakauwi ko lang dito dalawang oras pa lang ang lumilipas.
Nakakaboring naman. Kanina pa ako naglalaptop dito. Sumasakit na ata ang mga mata ko kakatitig sa screen.
Sa kabila ng pagkaboring ko sa aking ginagawa, kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa side drawer ng aking higaan.
Matapos buksan ang phone, agad kong tinawagan ang unang pangalan na nakita ko sa contact lists.
[Hi Acey!]
Mukhang masaya siya ngayon. Oh well, magtataka pa ba ako kung sanay na ako sa personality niyang sobrang masayahin?
Pagkatingin ko sa labas, nakita ko si Mabel na nasa tapat ng bintana ng kanyang kwarto habang kausap ako thru phone.
[Napatawag ka ata, Acey.]
Nakita kong sinuot niya ang kanyang eye glasses.
"Busy ka ba?"
[Hindi na. Kakatapos ko lang mag-linis ng kwarto.]
"Nakakaboring sa bahay 'no?"
[Oo nga e.]
Hmmp, mabuti naman at matino 'tong kausap ngayon.
"Napagalitan ka ba nila Tita Flor pagkauwi ng bahay kanina?"
[Hindi naman. Si Tito Al kasi ang nagsabi kila Mama na nag-overnight tayo kina Yuna.]
"Ah, ok."
Mabuti naman at savior ang Papa ko.
Nagtaka nga rin ako kung bakit hindi ako pinagalitan nila Mama kanina. Di pa naman ako nakapagpaalam last night. Siguro ay sinabi agad kagabi ni Kean kila Papa na matutulog kami sa mansyon nila Yuna.
[Oo nga pala, Acey.]
"Bakit?"
[Tumambay kaya tayo sa FT Haus ngayon?]
"Sige. Magandang idea 'yan."
Pagkatapos tawagan si Mabel, lumabas ako ng bahay at hinintay siya sa tapat ng gate nila para sabay kaming pumunta sa FT Haus.
***
After lumabas ni Mabel ng kanilang bahay, naglalakad na kami ngayon sa tabing kalsada.
Una naming pupuntahan ang bahay ni Hazel dahil medyo malapit siya sa mga bahay namin. Susubukan naming yayain ang iba para marami kaming tatambay sa coffee shop.
Habang naglalakad, bigla akong napairap dahil sa kasama ko.
Tsss, medyo weird na naman siya.
Abala kasi si Mabel na tumitingin sa dala-dalang mapa. Ewan ko ba kung bakit lagi siyang may dalang ganyan. Hindi pa rin ata nito saulo ang buong bayan eh.
Napatigil siya sa paglalakad nang mapansin niyang sinasamaan ko siya ng tingin.
"Huh? Bakit Acey?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Itinuro ko ang dala-dala niyang mapa. "Para saan 'yan?"
Itinaas niya ang tinuro kong mapa. "Eto ba? Gagamitin ko para malaman kung saang kanto ang bahay ni Ford."
Si Ford? Anong meron sa lalaking 'yon?
"Bakit mo naman kailangang malaman ang bahay niya? May balak ka bang pumunta?"
Umiling siya. "Hindi ah! Nakakatakot kaya yung kanila."
Ha?
"Paano mo nasabi?"
Tumigil kami sa paglalakad dahil may ibinulong siya sa akin.
"Nasa mapa ko lahat ang information ng mga street sa bayan natin. Nagtataka lang ako kung bakit wala sa mapa yung kila Ford."
Psh.
"Meron ka bang hindi natatandaan? Yung mga napupuntahan mo pa lang na streets ang nasa mapa mo, di ba?"
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Tienerfictie[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
