Avery's PoV
I should never walk to the wrong path again. Hindi na ako dapat makialam pa sa mga nangyayari sa Gymnasium. Labas na ako doon. Labas na kaming apat.Oh well. Kung gusto pa nilang lahat tumulong kay Lean, bahala na sila. Basta... wala na ako doon.
Ang kasama ko lang na naglalakad sa hallway ay si Tracy. She's a bit nervous since last time dahil sa pang-iiwan namin sa ere kay Lean.
Hindi ko alam kung nasaan yung dalawa. Baka nagpauto ulit sa babaeng 'yon. Pero wala na rin akong pakialam. Ok kung magkasalubong kaming lahat. Ok lang rin kahit makita ko silang nakikipaglaban pa sa tabi ni Lean.
"Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo?" tanong ng kasama ko.
What should I be scared of? Si Lean? My family was also powerful just like her. Ano ikatatakot ko sa kanya?
"You don't need to be scared of that b*tch, ok? Kung gusto mo, bumalik ka na sa pagiging katulong niya. Ayos lang sa akin kasi kaya ko naman mag-isa."
Medyo nagdalawang-isip pa siya mula sa sinabi ko. Don't tell me ganun talaga siya natatakot kay Lean? She's just a rich b*tch from a family that is well-known in business. Magkakilala nga yung families namin e kaya nagkakilala kami. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag magpakauto sa kanya.
"Hindi ka ba talaga natatakot sa posible niyang gagawin?"
"I don't care kung patalsikin niya ako dito sa W.A.." Kayang-kaya naman ng parents ko na controlin ang desisyon ng school kung nagkataon. Hindi lang siya ang may kapangyarihan dito.
"I see..."
I heard footsteps coming near on us. Sino naman kaya ang nasa school pa sa ganitong oras?
Pagkaliko namin ni Tracy sa kaliwang side ng hallway, muntikan ko pang makabungguan ang nakasalubong kong lalaki.
What the hell?!
Halos mag-apoy na siya sa galit ng makita kami ni Tracy. Baliktad ata kami ng sitwasyon. Dapat ako pa ang nagagalit sa kanya dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang panloloko niya sa akin.
It is no other than Luke Torres. I meet the devil again.
"Saan niyo dinala sina Yuna at Hazel?!" Hindi ba siya pwedeng kumalma muna para mapag-usapan namin ng masinsinan ang ipinuputok ng butsi niya?"I don't know." my only answer.
Hindi niya kayang kwelyuhan o sapakin ako dahil alam kong di siya nananakit ng babae physically. Matatag pa rin ang pagkakatayo ko dito habang seryoso lang akong nakatingin sa kanya.
"Wala ka talagang balak magsalita ha?!"
"Bakit? Sasaktan mo ako kung wala akong sasabihin?"
Hindi pa rin siya kumakalma pero hindi ito kayang takutin ang kausap niya.
"Nasaan ang dalawa?! Sabihin mo!"
"Hindi ko alam. Kung gusto mong malaman, pumunta ka ng Gymn at tanungin mo si Lean."
"Kapag hindi mo pa sinabi kung nasaan yung dalawa, malalaman 'to agad sa Guidance Office."
Hanggang ngayon pala e makitid pa rin ang utak niya ha?
"Huwag mo kaming dinadamay dito." pagbabanta ko sa kanya.
"Bakit? Kailan ba kayo hindi nadamay sa gulo ni Lean? Sabihin niyo nga kung kailan?!"
"Ngayon! O ano, sasabihin mo pang kasama kami?!"
Napailing siya sa sinabi ko.
"Hindi mo ako maloloko, Avery. Sige, ok lang naman kung hindi mo sabihin sa akin. Pero pasensyahan tayo, makakarating agad 'to sa Guidance. Bukas na bukas."

BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18