Hazel's PoV
Knock Knock
Medyo naalimpungatan ako ng makarinig ng dalawang katok sa kung ano man yon. Inaatok pa ako, mamaya ko na lang siguro yon aalamin kung saan nanggaling.
Knock Knock Knock Knock Knock --
"PASOK!" Sigaw ko bago magtalukbong ulit ng kumot. Sino ba naman kasi katok ng katok?!
"Hazel, di ka pa rin bumabangon?" Narinig ko yung boses ng Mommy ko pero isinantabi ko lang yon. Gusto ko pang matulog.
"Bangon na. May naghihintay na sayo sa baba."
Napabangon ako bigla. Sinong maghihintay sa akin? Hindi kaya...
Ay hinde. Hinding-hindi yan maghihintay dito sa bahay. Pero...
Paalis na yung mommy ko ng kwarto ng tawagin ko siya.
"Ma, sino?"
"Si Acey. Kanina pa kita kaya ginigising. Sige, asikasuhin mo na yang sarili mo. Aalis na ako."
Nagpaalam lang ako sa mommy ko dahil papasok na siya sa kanyang work.
Napasarap ata ako sa tulog. Maiba nga ng topic, ano naman kaya ginagawa ni Acey dito?
Pagkababa ko ng salas, nakita ko si Acey na abala lang sa phone niya. Nang mapansin niya akong kakababa mula sa hagdan, sinamaan niya ako ng tingin.
"Wow, aga mo gumising noh? Kanina pa ako naghihintay sayo dito."
Agang-aga masungit agad, tapos sa bahay ko pa.
"Anong ginagawa mo dito?"
Nagcross-arms siya. "Well, sinusundo ka."
"At bakit?"
"Kasi malelate na tayo!"
"Aba hindi ko na kasalanan na malelate ka. Ikaw 'tong bigla-bigla na lang susugod sa bahay ko."
"Pasalamat ka kasi nandito na ulit ako para may kasabay kana papuntang W.A."
Kailangan ko bang pasalamatan 'tong si Acey? Siya 'tong unang nagsabi na hindi na kami magsasabay papuntang school. Change of mind lang?
"Sige, sige. Mag-aayos muna ako ng sarili ko."
Pagkatapos ko sa daily morning routine ko, bumalik na ako sa salas at napansin kong may kausap si Acey na babae.
"Hello Haze-Haze! Good morning!!" Si Mabel lang pala.
"Tara na guys." pag-yaya ko sa dalawa na sumunod agad sa akin.
Habang naglalakad...
"Laro daw muna tayo sa Gymn habang hindi pa nagsisimula yung Win-Win match."
Ikinuwento ni Acey yung pag-uusap nila ni Patch kahapon sa chat at nagyayaya daw ang aming lider na maglaro ng Volleyball sa Gymn. Sino nga naman ako para tumanggi? Pati hindi ko talaga tatanggihan na maglaro ng Volleyball! Favorite ko yun eh.
"Akala ko si Headset Guy yung susundo sa akin."
Napatigil yung dalawa kong kasama ng marinig ako. Medyo napalakas kasi yung bulong ko eh. Tch.
"Si Ford?" tanong ni Mabel.
"Oo. Di ko kaya kayo ineexpect na pupunta sa bahay."
"Simula ngayon, iexpect mo na 'to." May iba talaga kay Acey ngayon.
"Acey, pwede bang magtanong?"
"Ano yon?"
"May sakit ka ba?"
"Ha?"
"Sabi ko kako kung may sakit ka!"
"Wala. Bakit ayan ang tanong mo?"
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
