Chapter 68: Friends

33 2 0
                                        

Mabel's PoV



Lumingon sa direksyon ko si Celestine. Kinakausap siya ni Hazel pero sa akin naman siya nakatingin. Alam ko na ang ibig sabihin ng expressions niya.

Alam ko na rin ang tungkol sa decision ni Ford. Pero kailan niya ito sasabihin kay Hazel? Bakit ayaw pa niyang sabihin ang lahat-lahat? Natatakot ba siya dahil baka magalit ang kaibigan namin?

Pinapanatili kong kumilos ng parang normal na sarili kahit nababahala pa rin ako sa paligid.

Kahit ngayon, iniisip ko pa rin kung sino yung nanakit sa akin.

Hindi ako nagkakamali na pamilyar ang boses niya. Kung sasabihin ko 'to kila Patch, baka mamisinterpret niya ako. Dapat sigurong itago ko na lang lahat ng 'to para hindi na magkagulo pa. Hindi rin naman kasi ako sure kung siya nga yung may gawa sa akin.

Si Hazel, Celestine at Patch ang kasalukayang nakasentro sa problema ng barkada ngayon. Natapos na sa akin at kay Acey.

Mas nababahala kasi kami tungkol sa tatlo. Magkakaayos pa ba sila Luke at Celestine?

Paano kaya sila Terrence at Patch? Hindi pa naman madaling pagpatawad si Patricia. /__\

E kung yung kila Hazel at Ford kaya? Nakukutuban kasi ako na mag-aaway nanaman silang dalawa.

"Mabel, ano?"

Bigla akong natauhan ng marinig ang mataray na boses ni Patch.

"Huh? Bakit?"

"Sabi ko kako aalis na ako."

"Hala! Bakit?!"

"Puro ka bakit eh! Kanina ko pa sinasabi sa kanila na uuwi na ako kasi kailangan pa ako sa bahay. O dito kana ha? Nandyan naman sila Acey."

Hindi na ako nakaimik pa ng bigla na lang lumabas si Patricia ng kwarto.

"Mabel, nagugutom kana ba?" tanong ni Acey ng makalapit sa akin.

Umiling ako. "Hindi pa."

Lumayo sa akin si Acey atsaka niyaya naman sila Celestine na kumain sa canteen.

Nang makita ko si Hazel, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Parang may hinahanap kasi siya dito sa ospital eh. At alam ko na rin 'yon kung sino ang hinahanap niya.



Acey's PoV



I'm hungry. Wala naman akong mayaya mula sa mga kaibigan ko para kumain. What if magsolo na lang kaya ako pumunta ng canteen?

Bago ako makalabas ng kwarto, nakita kong lumapit sa akin si Kean.

"Samahan na kita. Nagugutom na rin ako."

Tumango ako sa kanya atsaka isinara ang pinto pagkalabas naming dalawa.

"Kanina pa kasi ako nagugutom." I said.

"Ako rin. Kaso di ko alam kung makakakain ba ako ng ayos."

"Huh? Bakit naman?"

"Naaalala ko kanina yung ginawa sa akin ni Dennis. Karumaldumal na kasalanan. Potek! Dapat mas maaga ako pupunta sa inyo eh. Nang dahil sa ginawa niya... psh... na late ako."

"Natalo ka lang ata sa pustahan niyo eh." I kidded.

"Hindi ako nakipagpustahan. Lanjek! Sinukahan lang ako ng lalaking 'yon."

Hindi ko napigilan na mapatawa dahil sa sinabi niya.

"Walang nakakatawa don Acey."

Pinagpapalo ko siya dahil di ko mapigilan ang pagtawa.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon