Acey's PoV
Panibagong araw ngayon at napaaga ako sa school dahil kay Kean. -_-
Sinundo niya kasi ako sa bahay kahit napakalayo niya sa amin. You wanna know why? Gusto niya daw ulit kumain ng breakfast sa canteen. Bago pa man ako huminde sa kanya, wala na akong nagawa kundi samahan siya ng tuluyan matapos magpaawa sa akin. Psh. Makakatanggi ba ako sa childhood friend ko?
*munch* *munch*
"Hindi mo ba pwedeng kainin ang pagkain mo ng walang ingay? Nagpapainggit ka ba?"
Ang ingay kumain eh. Naka-earphones na ako't lahat pero rinig ko pa rin ang pagnguya niya.
Noong tumingin siya sa akin, nilunok niya muna ang nginunguyang pagkain bago magsalita.
"Sungit mo na naman, Acey. Agang-aga ah? Pati sorry naman. Masyado kasing crispy yung balat ng chicken."
"Para ka namang si Mabel."
"Whoaah! Kahit kailan ay hindi ako naging weird gaya ni Mabel!"
"Weird? Sinabi mo bang weird ang best friend ko?"
Halos kita na lahat ang ngipin niya noong ngumiti sa akin.
"De, biro lang 'yon. Pero totoo naman kasi yung sinabi ko kanina tungkol sa chicken."
"Bilisan mo na lang sa pagkain mo para makapagkwentuhan tayo ng maayos."
"We still have 45 minutes, ChiFri. Chill ka lang."
"Psh. Fine."
Matapos niyang maubos ang pagkain, inipod-ipod niya ang kanyang upuan palapit sa akin.
"Ang lapit mo naman masyado. Bakit ba?"
"Meron ka ba ngayon at sobra mong sungit?"
"Ano?!"
"Wala. Ang sabi ko kanina, bakit parang naiilang ka sa akin?"
"Naiilang? Hindi naman ako kailanman nailang sa'yo. Kung oo, for what? Wow ha."
Inirapan ko si Kean dahil pinagtawanan niya ako. Bakit ba kasi fried chicken ang kinain nito kanina? Tinopak tuloy. Ganyan 'yan kapag kumain ng fried chicken eh. (-_-")
"Naninigurado lang ako, Acey. Hindi natin alam at nahuhulog ka na sa akin. You know that it's very common to the likes of us. Childhood friends to lovers."
Ano bang sinasabi ng lalaking 'to?
"Tigilan mo nga ako Kean sa kahibangan mo. Para ka talagang si Mabel."
"Sa tino kong 'to?! Ang liit naman ng tingin mo sa amin ah."
"Hindi ko kayo minamaliit ni Mabel. Masyado ka kasing tinotopak kaya nasabi kong nahihibang ka na."
"Grabe, hindi naman! Huwag ka kasing magsungit d'yan. Sige na nga. Para mawala 'yang bad vibes mo, kakanta na lang ako."
Bigla niyang hinablot ang hawak kong phone at natanggal ang mga earphones na nakapasak sa magkabila kong tenga. Bago ko ulit siya mapagsabihan, binunot niya ang earphones at binalik ito sa akin bago kinalikutin ang phone.
"Eto na lang ang kakantahin ko."
"Anong kanta?"
"Para magustuhan mo, edi Little Things na lang. Yung isa sa mga kanta ng favorite mong british-irish boy group."
Napangiti ako noong makita siyang nag-aakto na naggigitara sa pinaka-intro ng kanta.
🎶 Your hand fits in mine like it's made just for me
But bear this in mind, it was meant to be
And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me 🎶
Nakatingin ako sa kanya niya habang kumakanta siya. It's one of my favorite songs na hindi niya alam. It's good to see him singing that song kahit pilit na pilit siya sa pagkanta. Hindi niya kasi gusto ang genre nito. To tell you a fact, he is a fan of rock and heavy metal songs na bumabagay sa boses niyang kayang patinisin.
🎶 I won't let these little things
Slip out of my mouth
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
