Dennis' PoV
Malapit ng maglunch kaya nasa canteen na agad ako to reserve a table para sa grupo ko at ni Love (Lysa). Kanina ko pa tinetext si Love pero hindi naman siya nagrereply. At ano nanaman ba ang pinagkakaabalahan niya? Wala silang training ngayon. Akala ko ba sharp 1 pm dapat nasa canteen na ang lahat?
Ayokong magmukhang excited dito. -_-
"O Dennis, ang aga mo ata?" Maaga? 1:08 pm na oh. Ang dumating ay si Patricia, ang leader ng Tropang Cupcake Monsters kasama si Acey, na kababata ni Kean. Umupo sila sa mga bakanteng upuan dito. Hindi ko inaasahan na sila agad ang dadating.
"Di niyo kasama si Lysa?" Tanong ko sa kanila. Nabigla naman si Acey dahil hindi ko sinasadyang tumaas ang boses ko.
"H-Hindi eh." Si Acey yung sumagot ng hindi lumilingon sa direksyon ko.
Tumayo naman si Patricia at kinuha ang kanyang cellphone na nagriring mula sa bulsa ng palda niya.
"Guys teka lang. Tumatawag si Nanay."
Lumayo muna si Patricia sa amin para sagutin ang tawag. Kami lang ni Acey ang natira sa table.
"Sorry kung napagmataasan kita ng boses kanina." Nasaan na ba si Lysa? Hindi siya kasama nina Patricia pumunta dito. Kanina ko pa siya hinihintay. Hindi kaya kasama siya nina Yuna? Naiinip na ako dito.
"Ok lang." Simpleng sagot ni Acey sa tanong ko habang hindi pa rin nakatingin sa akin. We're not usually talking in each other kaya hindi siguro siya sanay na makipag-usap sa akin kahit magkakabarkada sila ni Love. Kung tutuusin naman, wala talaga akong kinakausap na ibang babae except kina Yuna at Jia dahil sila ang naunang mga kaibigan ng girlfriend ko. Kapag magtatanong siguro ako o magpapatulong sila sa akin, ayun lang ang magiging paraan para makausap ko ang iba.
Hindi ko favorite makipagkwentuhan sa kahit na sino. Aksaya ng oras kaya. -_-
Ilang minuto ang lumipas, bumalik na si Patricia at kasama na niya sina Love, Yuna at Jia.
"Oh My God!!! Nandito ka na pala Love!" Gulat na gulat niyang sabi. Hindi ba halata? Bigla siyang lumapit sa akin sabay yakap.
"Saan ka galing?" Panimula ko habang seryoso pa rin ang boses.
"Dyan lang sa tabi-tabi, nyahahahaha." Tabi-tabi?
"Niloloko mo ba--"
"Joke lang Love! Di ka mabiro eh. Galing ako ng Audi kasi tinapos ko pa yung pinapanood kong last na sayaw. Tapos, ayun, nakita ko sina Jia at Yunabels. Sumabay na ako sa kanilang dalawa papunta dito sa canteen. At natyempuhan rin namin si Patch malapit sa pintuan."
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita tinetext pero hindi ka nagrereply."
"Ay ayun ba? Wag ka ng magalit Love, drained na yung battery ng phone ko kaya hindi nakapagreply." Naka-peace sign pa siya nan.
"Drained battery? Full charged yung phone mo noong inabot ko sayo kanina ah."
"Ihhhh, nalowbatt agad kasi kakalaro ko ng Doodle Jump."
"Tsss."
"Wag ka ng magalit Love."
"PDA oh." Narinig kong bulong ni Yuna kay Jia kaya inalis ko yung nakapulupot na kamay ni Love sa braso ko.
"Hindi ako galit."
"Hindi daw? Sorry na kasi Love. Di ko naman sinasadya na lowbatt-in yung phone ko eh. Valid rin naman yung reason ko ah?"
"Hindi nga sabi ako galit. Umupo ka na lang."
"Pero--"
"Upo."
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Ficção Adolescente[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
