September's PoV
Nagising ako dahil sa malamig na hanging nagmumula sa bukas na bintana. Dahil sa pagod kagabi, nakalimutan ko na for sure saraduhin ito.
Hindi ko na naabutan si TinTin na gising kagabi dahil pasado 1 am na akong nakauwi sa bahay. Almost a month ako mawawala sa part time job ko para may makasama si TinTin this Christmas.
Bumangon ako mula sa kama para magluto na ng breakfast. Pinuntahan ko muna si TinTin sa kwarto niya para silipin kung gising na ba siya.
Once in a blue moon lang yan magising ng maaga. 6 am pa lang at ang usual time na gising niya ay 11 am. Pinaka-maaga na 'yon.
Inayos ko yung kumot niya at saka hinalikan sa noo. Kami na lang ni TinTin ang magcecelebrate ng Christmas kaya bakit pa ako magdadalawang-isip kung ipagpapaliban ko ang part time this coming holiday?
Pati nangako ako sa kanya na hindi siya magpapasko kila Dad. Ayaw ko rin naman na hindi siya kasama this Christmas. Medyo excited ako sa pasko dahil after decades, kami lang ni Celestine ang magkasama sa pasko. Mas masaya siya kapag kasama ako kaysa magtiis siyang pakisamahan yung pamilya nina Dad at Mom.
Habang nagluluto ng breakfast, biglang nagring ang phone ko.
Caden Caling...
Bakit naman kaya tumatawag ang saltik na 'to?
"Hello--"[Yow Sep! Tuloy na tuloy ang basketball mamaya!]
Tumawag lang ba siya para lang magyaya ng basketball? Ayoko pa namang maglaro ngayon. Kahit wala akong iniintinding thesis o major exams, busy pa rin ako. Kailangan kong bumawi kay TinTin.
"Basketball? Pass muna ako."[Sep naman! Huwag kang ganyan! Minsan lang 'to! Pati nangako ako sa mga Liits!]
Liits? Sina Ford? Mangangako na nga lang siya, nandadamay pa ng kasama.
Medyo may natatandaan ako na nagyaya si Kean magbasketball before pero tinanggihan ko dahil busy ako sa defense namin sa isang subject.
Pero kailangan ko talagang bumawi kay Celestine ngayon. One month lang ako di magiging busy sa part time, at one month lang ang time ko kay bunso.
[I hope na magchange of mind ka mamaya. Sige end ko na 'to. Tawagan mo ako mamaya ha?!]
Call ended...
Hindi pa ako nakakapagsalita at binabaan na niya agad ako ng phone. Hyper nanaman."Hey Kuya Seppy! Good Morning!"
Aga ata ni TinTin gumising ngayon?
"Morning din, TinTin."
Pagkatapos kong magluto, tinulungan ako ni Celestine na ihanda ang mga plato at kubyertos para makapagsimula na ng mag-almusal.
"How's school?" bungad kong tanong sa kanya habang kumakain.
"Just fine, as always naman e. I'm still having some fun with the cupcakes and... Luke is also fine with me."
"Hindi ka ba niloloko?"
"Nope."
"E sina Hazel?"
"Hmmp, about my Best? Oh well, ganun pa rin. Masayahin at super mabait. Hindi naman siya nagbabago."
Masayahin at super mabait? Oo nga at mabait si Hazel. Kaso yung masayahin? Lagi naman siyang naka-poker face ah?
"The others are also fine."
"Ok."
"Si Yuna, ayun, patay na patay sa'yo."
What does she mean about 'patay na patay'?
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Fiksi Remaja[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18