Acey's PoV
Absent si Hazel pero walang nakakaalam kung bakit. Hindi naman nagrereply kapag tinetext namin.
"Si Best talaga, umabsent nang hindi man lang tayo iniinform." sabi ni Celestine.
"Oo nga eh. Baka may sakit." sabi ko naman sa kanya.
"Gusto ko rin sanang umabsent. Tutal, halos lahat ng subject teachers natin ay mga absent rin."
Free time ngayon kaya kaming pito ay nakakapag-usap at magkakalapit ang mga upuan sa isa't-isa. Tama si Celestine. Halos lahat ng subject teachers namin ngayon ay absent.
"Eh kung bisitahin natin si Hazel sa kanila mamaya?" suggestion ko. Nakita kong nagsitinginan ang buong barkada sa akin.
"Tama Acey! Ang talino mo talaga!" sabi ni Mabel habang pumapalakpak.
"Hindi mo kagaya." banat naman sa kanya ni Celestine.
"Matalino rin ako 'no!" pagtatanggol ni Mabel sa sarili niya.
Habang nagbabangayan ang dalawa, inilibot ko ang paningin sa buong classroom. Behind our seats, nakita ko si Ford na suot ang kanyang headset habang natutulog.
Alam niya kaya kung bakit absent si Hazel?
Hmmp. Nagtataka kayo kung bakit 'yon ang naisip ko? Well, pansin ko kasing close sila Hazel at Ford lately.
"Acey! Sumagot ka!"
Nagulat ako nang marinig ang pagsigaw ni Celestine ng pangalan ko. Lumingon ako sa kanila at napansing nakatingin ang lahat sa akin.
"H-ha? Bakit ako sasagot?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Nagtawanan ang lahat dahil sa sagot ko. Okay? Anong meron?
"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanila.
"Ilang beses kitang tinanong pero hindi mo pala ako pinakikinggan. Nagmukha akong t*nga!" sabi ni Celestine sabay halakhak.
"Ganun ba? Sorry naman. May tinitingnan kasi ako sa likod."
Tumigil si Celestine sa pagtawa at mabilis na tumingin sa taong nasa likuran ko.
"Omg! Di nga?! Inaagawan mo si Best!"
"Anong inaagawan?!"
Ang gulo kausap ng bruhang 'to.
"Bagay kaya si Hazel at Ford. Kahit highblood ang kaibigan natin sa kanya, may chemistry pa rin!" sabi ni Lysa.
Tinuro ni Patch si Ford. "May gusto ka ba sa kanya?"
Agad naman akong umiling.
"Tumigil nga kayo! Wala akong gusto sa kanya." pagtatanggi ko.
"We know naman eh." sabay ngiti ni Celestine.
"Ayun naman pala. Bakit niyo pa tinanong?"
Pasensya ka na, Ford. Minsan kasi ay kung anu-ano ang iniisip ng mga kaibigan ko. Nadamay ka pa kahit natutulog ka lang sa likuran namin. *sighs*
Tumingin silang lahat sa isa't-isa sabay ngiti pagkatapos. Wait, ano na namang meron? Kapag 'yan kalokohan na naman, sasabunutan ko sila isa-isa.
"Alam namin na wala kang gusto kay Ford." sabi ni Celestine sabay tapik sa balikat ko.
"Eh anong meron sa mga ngiti niyo ngayon?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Ganto kasi..."
Jusko, Patch. Pabitin pa!
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Novela Juvenil[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
