Patricia's PoV
Hindi rin ako nag-eenjoy sa party ngayon. Sa speech lang ako kanina nakangiti at pagkatapos 'non ay halos ilang oras na akong nakasimangot.
Why should I even have fun? May nakakatuwa ba sa mga nangyayari ngayon?
Akala ko masaya yung Acquaintance Party. Mas lalo lang nito pinaparamdam sa aming lahat na may problema pa.
Anong sense kung mag-enjoy kami dito pero after nitong event ay babalik nanaman sa dati?
Napasama na rin sina Acey at Jia sa Team Bangko dahil wala na sila Kean at Gio dito sa W.A.. Pero kahit naman wala na si Gio dito, hindi ko alam kung saan-saan sumusuot si Jia. Gaya rin ni Yuna, team bangko rin yan pero si Acey at Mabel lang ang madalas kong nakakasama.
As for Celestine, expected ko nang maglilibot 'yon sa buong party para humaligap ng mapipicturan na couple.
I suddenly sighed because of what I had thought. Mas mabuti pa nga sigurong magsaya muna si Celestine ngayon para makalimutan niya yung sakit na binigay ng peste niyang boyfriend.
Kumakain lang si Mabel ng dessert habang si Acey ay nakatingin lang sa dance floor.
"Walang gustong magyaya sa'yo?" tanong ko sa kanya.
"None. Mas ok na rin na nakaupo ako ngayon. Nakakasakit sa paa ang magsayaw ng magsayaw."
"Wow ha, don't tell me di ka sanay magsuot ng high heels?"
"That's not my point. Tinatamad lang akong sumayaw."
"Nakakamiss si Senior noh?"
Nakita kong nagblush siya ng konti.
"Aish. Not that also."
Kunwari pa.
"Sabi mo 'yan eh."
Nakita ko naman sa dance floor sina Hazel at Gun na sumasayaw. After all this years, ngayon ko lang nakita silang nag-eenjoy sa pagsasayaw. Hindi gaya ng dati, pinagtataguan pa ni Hazel yang si Gun.
"Pansin ko parang wala sa mood si Dennis." sabi ni Acey. Psh. Kailan ba naging maganda mood non?
"Ngayon ka lang nabaguhan? Aba, iba 'yan ha."
Acey looked at me and I raised my brow on her. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?
"Sa tingin mo... exchange student rin kaya si Luke?"
Aish. That devil again.
"Pwede. Baka siguro kaya nawala rin ng parang bula. Ang pinagkaibahan nila ni Ford, hindi siya nagpaalam sa atin."
"Alam kaya ni Luke yung iba pang sikreto ni Ford?"
Anong sikreto? May tinatago pa bang sikreto si Ford?
"Bakit mo nasabing may tinatagong sikreto yung tao?"
"From my instincts, mukhang may hindi pa sinasabi si Ford sa atin eh."
Oh, she's curious like an innocent huh? Bakit kaya naisip niya yan?
"Patch, bakit ka nakangisi dyan?"
I flipped my hair na parang ginagawa ni Celestine kapag naiirita siya. Pero iba ang reason ko kung bakit ko 'to ginawa.
Gusto ko lang pagtripan si Acey. "Wala lang. Nagtataka lang ako kung bakit ka curious."
"Gawa nga kasi ng instincts ko. Pero wait a sec, baka may alam ka tungkol sa mga hidden plans ni Ford?"
Sumimangot ako sa kanya. "Hindi kami close. Pareho lang kaming leader ng barkada pero di kami c-l-o-s-e, ok? Huwag mo ring pagbintangan ang tao."
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
