Acey's Point of View
"KYAAAHH!!"
Habang hinihintay ang aming M.A.P.E.H. teacher, nagdadaldalan kaming magbabarkada ngayon tungkol sa kahit anong topic na mapagtripan.
Pinag-uusapan namin kanina ang mga pagkaing ililibre nina Hazel sa FT Haus mamaya nang biglang magshift ang topic tungkol sa ForZel.
"Maniwala kayo sa akin! Jusko, kailan ba ako pumayag na magpaligaw?! Nang-black mail lang si Ford kaya pumayag ako sa panliligaw niya!"
Halos sumabog na sa galit si Hazel kaka-deny at kabaligtaran niya naman si Celestine na halos mamatay sa sobrang kilig.
Bagay naman sila ni Ford, so why not? Pati bakit ba ang in-denial ni Hazel kahit pumayag na siyang ligawan? Ang dami niyang palusot. Tsk tsk tsk.
"Kaya pala naki-sleep over sa mansion dati." pang-aasar ni Patch.
"ForZel! Waaah! ForZel is the best!" hiyaw ni Mabel.
"Nyahahaha! Tumatanggi pa, um-oo naman sa kanya!"
Sinamaan naman ni Hazel ng tingin si Lysa. "Ewan ko sa inyo!"
Natahimik kaming lahat ng dumating na yung teacher namin sa M.A.P.E.H.
"Ok class, di ba may assignment kayo last week? Please pass it forward."
Matapos makuha ng teacher namin ang mga assignments, nagsimula na siyang magdiscuss ng another topic sa Music.
Nakikinig lang ako sa teacher namin pero mas napapatuunan ko ng pansin ang daldalan ng apat sa kaliwa ko.
Patuloy pa rin kasi sila sa kakaasar kay Hazel. Mamaya nan mapagalitan pa sila ng teacher.
"We have a surprise graded recitation today."
Halos maghysterical lahat ng mga kaklase ko dahil sa recitation. Kainis naman si Ma'am, galing magsurprise.
"But don't worry class. Hindi tungkol sa Asian Instruments ang recitation. Pipili lang ako ng 3 performers to sing infront of the class. Tatlo lang ngayon dahil kaunti na lamang ang oras na natitira."
Nakita ko naman na napatigil ang apat sa pag-uusap at sabay-sabay kaming nagtinginan.
"Malas naman ngayon, tsk." Medyo kinakabahan na si Hazel ngayon dahil ganyan naman yan kapag may recitation.
"Wala akong maisip na kanta." Si Patch habang nag-iisip.
"Errr... Pabigla-bigla naman si Ma'am e. I'm not yet ready to sing kaya." Maarteng pagrereklamo ni Celestine habang nag-iisip rin ng kakantahin.
"Huhuhu. Sana di ako matawag." si Mabel yan habang kinakabahan.
"Get ready class. Magbubunutan tayo para fair."
Talagang pinaghandaan ni Ma'am yung recitation dahil may kinuha siyang maliit na box sa loob ng table sabay kinalog-kalog ito.
Nakikita ko yung mga papel na tumatalon-talon mula sa box habang patuloy pa rin si Ma'am sa pagshake nito. Nasaan kaya pangalan ko dun? Sana naman hindi ako matawag.
"I will pick the first lucky performer." Hinahalo na ni Ma'am yung mga papel kaya halos matense na si Hazel sa kinauupuan niya. Lucky? Hindi lucky yon, unfortunate pwede pa.
Ayoko pang kumanta ngayon!
"Ms. Tenorio."
Ok, wala sa isa sa amin ang unang nabunot. Nagsimula ng magperform yung classmate namin habang nabawasan ng konti ang tension ng mga katabi ko.
"Antagal ng recess, baka mamaya nan matawag pa tayo." Nakita ko si Hazel na kausap yung kanyang best friend na abala naman sa pagcecellphone.
"Take a deep breath muna Best, don't worry about the singing or performance such. I'm sure hindi ka matatawag mamaya." Excited ata si Celestine kumanta. Parang kanina lang, medyo tensed rin yan.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
