Hazel's POV
Makalipas ang ilang minuto pagkatapos makalayo kami kay Luke, kaladkad pa rin ako sa hallway ni Ford. Medyo masakit na ang pulso ko dahil sa paghila niya. At oo nga pala, ano ba ang problema nito?
Agad ko namang hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahila niya. Napatigil kami sa paglalakad at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw headset guy, bakit ang rude ng ginawa mo kanina?"
Sinamaan niya rin ako ng tingin. Dahil doon, ginantihan ko rin siya ng masamang tingin.
"Kung ayaw mong magsalita dyan, mabuti pang umalis na lang ako."
Ready na akong mag walk-out pero napitigil ako sa bigla niyang paghawak ulit sa kamay ko.
"Don't."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "What?"
"I said 'Don't'. Bingi ka ba?"
Aba, nasabihan pa akong bingi, psh. Hinatak ko ang kamay ko at nagsimula ng maglakad ulit.
"Dyan ka na nga."
***
Next Day
Halos buong araw kong hindi nakakausap si Ford. Siya nga 'tong snob sa aming dalawa eh. Hindi niya naman ako pinapansin kapag nakikita niya ako. Ok lang, di ko rin naman siya pinapansin. Nasa canteen ako ngayon. Afternoon break time namin. Kasama ko ang barkada, pero sina Celestine, Patch at Mabel lang. Medyo napapansin kong lagi namin hindi nakakasama si Acey noong nakaraang araw.
"LQ kayo no?" tanong ni Patricia out of the blue.
Sinimangutan ko siya. "LQ ka dyan. Inaaway nga ako eh."
"Kaya nga LQ kayo eh, kasi magkaaway. Ayaw pang aminin." sabi niya pero di ko pinansin.
"Tingnan mo." Tinuro ko ang table na di kalayuan sa amin. Doon kasi nakaupo si Ford at hiwalay pa kina Gio.
"Oh, anong meron kay Ford?"
Ngumisi naman ako. "Nagpapaka loner, siguro gustong mapag-isa."
"Nako, ang sabihin mo Hazel, miss mo lang siya." sabat naman ni Celestine.
"Yiee. Sabi na nga ba. Kasi naman, may LQ pang nalalaman. Tsk, tsk, tsk." pang-aasar ni Patricia sa akin.
"Tama ka, girl." si Celestine.
"Syempre."
Nag-apir pa ang dalawa at tumawa. Hmmp, magkasundo ang dalawang baliw ngayon. Tumingin si Mabel sa akin ng may pagtataka. Nginitian ko lang siya sabay focus sa pagkain ko.
Art Club Room
"Students, thank you dahil sa pagtulong na matapos ang mga projects for this coming school activity. Dahil dyan, exempted na kayo sa darating na exam sa Filipino subject."
Na-dismiss na kami ng maaga dahil tapos na naman kami sa mga projects namin dito sa Art club. Uwian na rin naman kahit papaano. Ang bilis rin naman kasi ng oras ngayong araw. Medyo na hasle rin kahit papaano sa time dahil tinapos pa namin ang ilang mga projects. Busy ako sa pag-aayos ng mga kalat sa loob ng kwarto ng may mapansin akong pamilyar na lalaki malapit sa bintana. As usual, busy sa pakikinig ng music, wearing his headset, at nakaupo sa floor habang nakasandal ang likod sa wall.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Fiksyen Remaja[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
