Celestine's POV
Late na akong nagising dahil may nagpatay ng alarm clock ko. Maybe its Kuya Seppy.
Pagkababa ko sa kusina, ni anino niya ay hindi ko na nakita. Its like he's also late like me. Eh bakit niya ba pinatay yung alarm clock ko? Arghh!
TinTin,
May pagkain akong hinanda sa mesa. You don't need to cook 'cause everything's fine. Pakitapon na lang ng alarm clock mo. Its already useless.
- Kuya
What the hell?! Anong trip niya at sinara pa ang alarm clock ko?! Tumingin ako sa wall clock na medyo malapit sa fridge. Oh, its just 7 am. Hindi naman siguro ako malelate nito, right?
School
"Hello Celestine!" binati ako ni Senior ng magkita kami sa hallway. Tinanguan ko lang siya dahil wala ako sa mood.
"By the way, pwedeng pasuyo naman nito kay Acey?"
May ibinigay siya sa aking plastic bag na parang may laman na pagkain. I guess its lunch.
"Nagkita lang tayo pero inutusan mo na agad ako."
"Nakalimutan ko kasi ibigay sa kanya. Di na kasi ako nakadaan sa bahay nila dahil may aasikasuhin pa ako na project."
"Yah, yah. Whatever. Sige, go na. I'll give this to her."
"Salamat!"
Nagtatakbo na ang loko paakyat ng hagdan papuntang 4th Floor dahil ang mga 4th Years ay doon nag-roo-room.
Tsk, sweet suitor.
Classroom
"Nanay Acey oh."
Halos padabog ko ng ipinatong sa arm desk niya ang plastic bag. Tinaasan niya ako ng kilay kaya ganun din ang ginawa ko.
"Salamat ha? Tsss, agang-aga bad trip ka na agad."
"Tsk, I really hate all the boys in the whole wide world! Mga panira ng araw! Una, si Kuya Seppy dahil sinira niya ang alarm clock ko. Muntikan na akong ma-late. After that, its Senior. Inutusan pa ako, kanina. And lastly--"
"Oo na. Umupo ka na lang at palamigin yang ulo mo."
"Hindi mainit ang ulo ko."
"Hindi ba obvious?"
"Hindi. And it will never be."
"Kailan ka kaya titigil sa drama mo noh?"
Hindi ko na lang pinansin si Acey dahil baka lalo talaga sumama ang araw ko. Bakit kasi pare-pareho ang mga lalaki?! Nakakairita!
Kita mo 'tong si Dennis, ang aga-aga lambingan agad sila ni Lysa. Next naman si Gio na kitang-kita ko sa kinauupan ko na masayang-masaya kausap si Jia sa labas ng classroom. At si Ford na halos ayaw ng humiwalay kay Hazel?! Eh kung i-glue ko kaya silang lahat?! Nahiya pa kasing magsabi.
"Oy Celestine, bad trip ka ngayon ah?" Idagdag mo pa ang babaeng walang pag-asa magkalove life.
"And so?"
"Sungit naman! Binabati lang kita." Sorry Patch, pero bad mood ako ngayon.
"Maghanap ka na rin ng boy friend para tipid sa oras kapag ididikit ko silang lahat pares-pares."
"Bitter masyado, tsss. Di ko kailangan ng boyfriend. Pero maiba nga ng topic, anyare sa mukha mo?"
My face? What about my pretty face? "Bakit? May dumi ba sa mukha ko at ganyan ka makareact?"
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Fiksi Remaja[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18