Hazel's PoV
"Gun!!" Bakit ba ayaw tumigil ng mokong na 'to?! Makatakbo e parang may ginawang kasalanan sa akin.Konti lang ang tinakbo naming lugar kaya hindi naman ako ganung napagod. Pumasok kasi siya sa classroom kaya tumigil kami sa pagtakbo.
"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin habang nakatalikod.
"Hindi na kasi tayo nakakapag-usap gaya ng dati. Pati..."
Tumigil ako sa pagsasalita. Dati, siya ang sunod ng sunod sa akin. Kahit saan ako pumunta, nandoon siya. Laging nakabuntot.
Stalker, tawag ng nakararami sa kanya.
"Simula pa noong First Day akong tumigil kakasunod sayo, pero ano 'tong nangyayari at ikaw ang naghahabol?""Bakit ka tumigil?" tanong ko.
Sa totoo lang, dapat nga hindi ko siya kinakausap. Hindi ko dapat siya sinusundan ngayon. At yung dapat kong unang gagawin, hindi ko siya papansinin. Pero... parang bumabaliktad ang mundo.
"Wala ka namang gusto sa akin."
"Alam ko. Akala ko ba hindi ka titigil sa... uhhh... panliligaw? Change of mind lang?" biro ko.
Tahimik lang ang buong paligid na nakapag-intense sa usapan namin.
"Hindi naman ako panghabambuhay na ganto. Parang hindi mo alam ah?" medyo may malalim na kahulugan yung huling sinabi niya.
"Oo nga pala. Sorry." ang nasabi ko na lamang.
Humarap siya sa akin na seryoso lang ang mukha. Hindi siya ganito gaya ng dati. Para siyang si Senior kung kumilos. Makulit, madaldal, masayahin, palabiro, pero napansin kong nag-iba na siya.
"Hindi naman ako galit sayo Hazel. Valentines na Valentines oh, sisirain mo nanaman ba?" ang puso ko? Ayan ang tamang-tama na isunod sa mga sinabi niya.
"Hindi ko naman sinabi sayong ligawan mo ako. Ikaw ang nagpumilit na pahirapan ang sarili mo." nagsalita ako na gamit ang usual kong expression. Ayoko ng bigyan ng meaning ang lahat.
Ngumiti lang si Gun sa akin sabay may iniabot na box na color red.
"Hindi ko na sana ibibigay yan sayo. Kasi kung ginawa ko kanina, gaya ng nangyari ngayon, ano pang sense, di ba? Wala na rin naman akong feelings sayo gaya ng dati. Wala ka na ring pakialam sa akin kung magtagpo man tayo ng landas."
Nakatitig lang ako sa box habang sinusubukang magsink in lahat ng sinabi niya.
"This will be the last, Hazel. Sorry for everything."
"Ako dapat ang magsorry sayo kasi nahirapan ka ng ilang taon dahil sa akin."
"Wala kang kasalanan. Ako yung g*go at t*nga, hindi ikaw."
Naglakad na siya palapit sa pintuan ng classroom.
"Kung ok lang sayo, pwede ba tayo atleast maging magkaibigan?"
Tumango ako. "Oo naman. Its time for us to end this sh*t."
Ngumiti ulit siya sa akin bago makaalis ng classroom. Naiwan lang akong mag-isa habang hawak ang ibinigay niyang box.
May chocolates 'to, for sure. Parang ang tagal na ata ng panahon bago nag-iba ang lahat. Tumigil siya sa panliligaw sa akin ng hindi ko namamalayan.
"Who was that weakling?"
Huh?! Anong ginagawa ng asungot na 'to dito?!
"Sino siya?" ulit niya sa kanyang tanong.
"Sino? Yung lumabas?" Ano bang klaseng tanong yan?! Malamang si Gun! Alangang si Ford?! Siya nga 'tong nagtatanong sa akin eh. Hay nako, nababangag na ako dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/20760772-288-k752663.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18