Chapter 70: Lost

48 2 0
                                    

Hazel's PoV 
  
  
  
Pagkaakyat ko sa rooftop, nakita ko si Ford malapit sa railings. Nakangiti siya sa akin kaya tumango ako.

Nang makalapit ako sa kanya, saka ko lang napansin na iba yung suot niyang uniform.

Teka, saan ko ba nakita yung uniform na 'yon?

"You only took few minutes reaching the rooftop. That must be fast for you."

Tumabi ako sa kanya at humawak sa railings. "Nakakaboring kasi tumambay sa club room. Sakto at nareceive ko yung text mo kanina kaya umakyat na agad ako dito."

Tumingin siya sa open space na kung saan kita ang halos kabuuan ng bayan. Ilang beses na akong nakakapunta dito pero ngayon ko lang nakita ang magandang view na 'to.

"How's Terrence?"

"Ayun, pinapapunta ko kanina sa club nila Best. Nagpatulong kasi siya para sa dance performance nila sa Acquitance Party. Mabuti na lang at pumayag ang lalaking 'yon."

Makakatikim yun ng sapak sa akin kapag di siya pumayag. Aba, alangan ako tumulong kay Best? Di naman ako pinagpala sa sayaw. Sa drawing lang ako, ok? Sa drawing lang.

Tumango si Ford atsaka tumingin ulit sa mga bahayan. Hindi gaanong maingay dito sa rooftop dahil maggagabi na.

"Ang ganda pala ng view dito noh?"

Nakatingin lang si Ford sa malayo.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Lalo na at malapit ng maggabi. Isa-isa ng nagkakailaw sa mga bahay at poste. Astig rin pala makakita ng city lights."

Sayang, hindi ko dala yung cellphone. Edi sana napicturan ko ngayon. Iniwan ko pa kasi sa bag. Tsk.

"Yah, it's beautiful."

Ngumiti ako habang tinitingnan ang padilim na lugar. Lumingon ako sa direksyon ni Ford ng mapansin siyang nakatingin sa akin.

"Bakit?" natatawa kong sabi sa kanya.

Hindi ko alam kung tama ba yung naiisip ko ngayon na parang wala siya sa mood.

Hindi siya galit o masaya. Nakatingin lang siya sa akin. Meron ba siyang gustong sabihin?

"Wala ka bang itatanong?" sabi niya na ikinagulat ko.

"Para saan?"

"Anything about... me?"

Biglang umihip ng malakas na hangin kaya napahawak ako sa buhok ko.

"Gusto mo na bang malaman yung isasagot ko sa'yo?" biro ko. Alam niya naman siguro yung ibig kong sabihin.

Kahit na nagbibiro lang ako kanina, hindi man lang nito nagawang maiba ang mood ng kasama ko.

Ano ba dapat kong itanong sa kanya?

"Masaya ka ba o malungkot?" tanong ko.

Umiling siya sa akin kaya medyo naguluhan ako. Ano ang iniilingan niya? Na masaya siya? O yung isa?

"Wala ka bang napapansin?" tanong niya na biglang nainis.

Napabuntong hininga ako ng maaalala yung una kong napansin sa kanya.

"Bakit iba yung suot mong uniform?"

Bigla siyang nagsmirk sa akin. Pero parang wala 'yong epekto ngayon sa sarili ko.

"I thought you won't notice."

"Kailangan pa bang itanong kung bakit?" sabi ko.

Nag-iba yung ekspresyon ng mukha niya. Parang gusto ko na tuloy bawiin yung sinabi ko kanina. Naging seryoso ang mukha niya kaya may nararamdaman akong kakaiba dito.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon