Patricia's PoV
"Kain na Patch, huwag mong paghintayin ang pagkain."
Nasa canteen ako ngayon kasama sina Acey, Celestine, Ford at yung masamang maligno. Nakatulala lang kasi ako kanina kaya napansin siguro nila na hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko.
Kung tatanungin niyo kung sa kabila ng lahat e meron na bang mabuting ginawa yung maligno sa akin, eto pa rin siya ngayon. Nagpapakafeeling artista sa sobrang snobber.
"Parang wala akong gana kumain. Kulang tayo e." sabi ko.
"Sus, makaraan ng ilang araw at magiging kumpleto din tayo."
Biglang nalungkot ang lahat. Haaayyy, nakakamiss yung iba. Ilang araw na kaming tahimik dito sa Academy. Nawala na nga sila Kean, temporary pang nawala sila Hazel.
Nakakamiss yung ingay nila. Hindi rin pala masaya na nananahimik ang barkada namin.
"Aceybels, Patchbels, Tinybels!" sigaw ni Lysa sa pintuan ng canteen. Buti pa 'to, hindi nauubusan ng kasiyahan.
"O Lysa, nandito ka nanaman. Bawal magpasabog ng kasiyahan. Kailangan ko ng katahimikan."
Umupo sila Lysa sa mga bakanteng upuan atsaka nakiagaw ng pagkain sa akin.
"Katahimikan? Nyehehe! Hindi mahal na araw ngayon para mangailangan ng katahimikan... at pagpa-pasting."
Sinamaan ko siya ng tingin at inagaw yung pagkaing kinuha niya. "It's June and I know that hindi Semana Santa ngayon. Pati sinong may sabi sa'yo na nagdadiet ako?!"
Bigla namang sumabat si Celestine. "It's so halata kaya. You see, hindi ka naman mahilig sa veggie salad at tea pero bakit 'yan ang binili mo ngayon?"
"Masama bang maggulay?"
"Hindi naman." Kita mo 'tong si Celestine, siya lang ba may karapatan sa aming dalawa na mag-alaga ng weight?!
"I noticed that there's something new about your hair." puri ni Ford.
Nagpatay malisya ako habang kumakain. "E talaga? Pano mo nasabi?"
"Your bangs aren't full anymore."
Tinitigan rin ako ng iba at bigla na lang sila nanukso na mapagtantong nag-iba ako ng hair style. Mga bwisit e. Ilang araw na kaya ang nakalipas mula ng side bangs na lang ako.
Nanatiling tahimik lang yung isang walang pakialam sa buhay at hindi ko naman ineexpect na pupuriin niya ako. Baka kahit judgement day ay wala ni isa pa akong marinig na maganda sa sasabihin niya sa akin.
"Look Terrence oh, isn't Patch's hairstyle so perfectly fine on her?" tanong naman ni Celestine dun sa masamang elemento na painom-inom lang ng chuckie.
Bigla na lang may nasagi sa isip ko noong nagkaroon ng aberya sa gymnasium.
"Pati... mas nagmukha kang tao ngayon. Ang baduy kaya ng full bangs sa'yo."
S-Siya nga pala yung unang n-nakapansin ng bago kong hair s-style! AAAAHHHH!!!
"Bullshit!"
Nagulat naman sila sa nasabi ko. Patay, napalakas pa ata.
"Are you ok, Patch?" tanong ni Yuna.
Pinilit ko na lang yung sarili ko na ngumiti. "Hahaha! Oo naman! Kailan ba ako naging hindi ok?"
Nakatingin pa rin silang lahat sa akin, except dun sa painom-inom lang ng chuckie, kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Namimiss ko lang talaga sila Hazel." I lied.
Lumungkot ulit yung atmosphere sa area namin. Mas ok na 'to kesa may malaman pa silang katangahan na sinabi ni Terrence. Nakakakilabot!
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
