Kean's PoV
"Mga volleyball varsities, punta na daw kayong Gymn!"
Mga babaeng volleyball players lang ang lumabas ng classroom para maghanda na sa laro mamaya.
Isa sa mga inaabangan tuwing sportfest ang outdoor games kung saan Juniors vs. Seniors ang match. Kalaban ng mga kaklase ko sina Jia. Medyo nagmamadali na rin ako sa tinatapos kong project para mapanood ko ang game.
"Kean, di ka pa ba pupunta sa Gymn?"
Lumapit sa akin ang kaklase kong nagsalita. Marami siyang bitbit na mga chichirya. For sure, papunta na siya sa Gymn para icheer ang mga kaklase naming lalaban.
"Mamaya na lang. Tinatapos ko pa kasi yung project natin sa El Fili."
Pinagdrawing kasi kami ng mga characters sa El Filibusterismo. Ewan ko ba sa teacher namin. Mag-iisip na nga lang ng magandang project, napagtripan pa e drawing.
Magpadrawing na lang kaya ako kina Hazel?
Tsk tsk tsk, papayag kaya ang sadista na yon?
"Uhmm Kean..." Nakalimutan ko na nandito pa pala ang kausap ko.
"Sige, una ka na. Baka sina Acey ang makasama ko mamaya. Sorry."
Ngumiti yung kaklase ko sa akin. "Sweet mo ah. Lagi kang may time sa kababata mo."
"Syempre, mamimiss ko pagsasama namin kapag naka-graduate na tayo."
Tinapik niya ako sa balikat. "Sabagay, tama ka. Una na nga ako sa Gymn. Bye."
"Bye." Sabay kaway ko sa kanya bago makaalis ng classroom.
"Pipilitin ko na nga lang si Hazel idrawing sina Simoun. Mukha nang shokoy e."
Pinunit ko yung papel na may maling drawing saka ibinilog. Nagshoot naman siya ng ihagis ko papuntang trash can.
"3 points! Whoo--"
"Uyyyy. 3 points daw oh."
Humarap ako sa likod ng may marinig na nagsalita.
Yung koreano lang pala. -_-
"O, Giyowyow. Ikaw lang pala."
"Akala ko sasamahan mo si Rena kanina. Acey ka pa rin pala ha."
Ano naman kaya trip nitong asarin ako?
"Kumag ka Gio, anong gusto mong sabihin ha?"
"Di mo man lang sinamahan si Rena. Ungentleman ka talaga. Tsk tsk tsk."
"Ewan ko sayo. Para kang sira."
"Sus, gusto mo naman si Rena."
"Oi Gio, kung ayaw mong masira ang pagkakaibigan natin pwede bang tumahimik ka dyan? Mamaya nan marinig ako ni Acey my labs tapos mamisinterpret pa ako nun."
"Edi masaya!" Loko talaga to.
Bigla namang lumapit sa akin si Gio sabay hablot ng papel na pinagdodrawing-an ko ngayon.
"Si Basilio ba 'to? Bakit mukhang adik?"
Hinablot ko yung papel saka pinagtawanan ako ng loko.
"Yabang mo! Hindi ka rin naman maganda magdrawing!"
"Wala akong sinasabi na magaling ako. Hahaha!"
"Ano bang nakain mo at ang sungit mo ngayon?" dagdag niya pa.
Sino ba ang hindi mababadtrip sa pagdodrawing? Nakakatamad kaya 'tong ginagawa ko. Plus hindi pa ako binayayaan ng talent. Kung pagkanta na lang kasi ang pinaproject ni Ma'am, edi mas ayos pa.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
