Hazel's POV
Its already Saturday. Late akong nagising kaya paniguradong sabog na naman inbox ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa drawer at meron na kaagad akong natanggap na 20 messages. Agad-agad? Sabagay, lagpas na ako sa oras kung ano yung pinag-usapan naming time. Usapan pa naman 9 am kami maglalaro ng volleyball. Anong oras na? Inabot na ako ng 10 am sa higaan.
12 am na kasi akong nakatulog kagabi. Na-late ng dahil sa drawing. Patay na naman ako nito kay Acey. Nagpuyat nanaman ako kakadrawing. Pero sure akong hindi lang sa kanya, sa kanilang lahat dahil late na talaga ako!
Matapos kumain ng brunch at maligo, kinuha ko na yung bola pang-volleyball at ng buksan ko ang pinto--
"Haze--"
"AYYY--"
Halos matumba na sa sahig si Ford ng mabato ko sa kanya ang bola. W-wait, ano bang ginagawa niya dito?!
"F-Ford! Sorry headset guy!"
Lalapit sana ako pero napatigil na lang ng umiling siya at pinulot ang bola sa sahig. Ibinigay niya yon sa akin at nagpasalamat ako.
"Ok ka lang ba talaga?"
"Bakit kasi nambabato ka ng bola? By the way, I'm still ok. Don't worry about it. Malayo 'to sa sikmura."
Inilock ko ang pinto ng bahay. "Sorry dahil sa nagawa ko. Di ko naman kasi inaasahan na pupunta ka dito."
"Inutusan ako ni nerd na sunduin kita sa bahay niyo. Sorry if I didn't text you. Baka galit ka pa rin kasi sa akin. That's why I made it as a surprise." So kasama siya sa laro namin mamaya?
"O-Ok."
"Let's go."
Naglalakad na kami ngayon sa kalye papuntang subdivision na malapit lang kina Patricia. Sa subdivision na yun kami maglalaro ng volleyball hindi lang sa may maganda silang court, kilala pa ng nanay ni Patricia ang nagbabantay doon. Kaya free kaming gamitin yun.
Medyo lumalayo ako habang naglalakad. Kahit kasi ngayon eh nahihiya pa akong makasama 'tong si Ford. Matapos ang araw ng birthday niya, hindi na kami nagkakausap. Tapos bigla pang makikita ko 'tong si headset guy ng hindi inaasahan.
"Do you really want to suicide?" Huh? Anong meron sa pagpapakamatay at bakit niya sinabing gusto ko yun?!
"Tsss."
Hinawakan niya ako sa kamay at inilapit sa kanya. Magrereact sana ako pero tumahimik na lang dahil nakatingin lang siya ng diretso sa dinadaanan namin.
"Sa mismong kalsada ka na kasi naglalakad. Baka mamaya mabangga ka na ng sasakyan. For sure, Patricia and the others will kill me if that ever happened."
"O-Ok"
Buti na lang at nakarating agad kami sa subdivision.
"Hazel! Ford-- Oh my God. So it means, ok na kayong dalawa!"
"Di na sila LQ!"
Tandem na naman sa kalokohan si Best at Patch.
"Tumahimik kayong dalawa. Wala namang masama sa holding hands, right?" Holding Hands?! Anong sinasabi nito ni Acey--
Agad ko namang inalis ang kamay ni Ford na nakahawak sa isa kong kamay.
"O eto bola."
Ibinato ko sa kanila ang bola pero mga loka talaga dahil iniwasan lang nila. Mabuti pa 'tong si Kean, isinalo.
"Tara, laro na."
Noong una, kami ng T. cupcake monsters ang mga naglalaro. Pero ng maghapon na, yung iba tumambay na lang sa play ground. Bale dun na lang rin kami nagpunta para ituloy ang paglalaro. Medyo malawak rin kasi ang play ground at hindi na masyadong mainit gaya kaninang tanghali.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Roman pour Adolescents[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18