Chapter 53: Other Side

54 3 0
                                        

Celestine's PoV   
    
  
    
Sobrang nakakakilig ang proposal ni Gio kay Jia. Busy lang ako sa pagpicture that time nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa Exit ng Gym.

"Who was that?" bulong ko sa aking sarili. Walang nakakapansin sa kanya puwera sa akin. Sinubukan kong tawagin si manang Patch dahil iba ang kutob ko sa lalaking 'yon. Sad to say, hindi ko nakuha ang kanyang atensyon dahil may sarili ata itong mundo habang nagdadrama.

"Best, ikaw muna bahala sa DSLR ko."

Si Hazel ang isa kong kaibigan na malapit sa kinatatayuan ko kaya sa kanya ko binigay ang camera. Wala naman siyang sinabi sa akin dahil nakatutok rin siya sa pinoproject na throwback pictures nila Gio.

I need to follow that stranger. He's not that scary but I'm very curious kung bakit siya nakikinood sa kaisyahan namin.

If ever na napadaan siya sa tapat ng gym kanina, nacurious siguro siya kung anong meron sa mga estudyanteng nagkakasiyahan sa loob ng gymnasium. Kung hindi, baka talagang tsismoso lang siya kaya nakatanghod sa exit ng lugar.

Ang sinasabi ng intinct ko, wala sa itsura niya ang napadaan lang dito. Paano ko nasabi? Noong hinahanap ni Patch si Jia, nakatanghod na siya sa tapat ng pinto.

"Best, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Hazel. Nawala kasi ang atensyon niya sa barkada namin. Napansin siguro na papalabas ako ng gym.

"Ano kasi... may nakalimutan lang ako sa classroom. Babalik rin ako kapag nakuha ko na 'yon."

"Ge." pagkasagot ni Best, nagmadali akong umalis ng gym dahil umalis na yung stranger na guy.

Mukhang nahalata niyang napansin ko ang presence niya. Kailangan kong bilisan ang paglalakad. Baka kapag binagalan ko, mawala siya sa paningin ko at makatakas ng husto.   
  
     
   
Hallway  
    
  
  
Oh yes! Thank God at hindi pa siya nakakalayo sa gym.

"Hey, you! Stop right there."

Napatigil naman ang lalaki habang nakatalikod pa rin sa akin.

"Why are you peeking inside the gym?" sabi ko sa kanya with a serious tone.

"Gym? Hindi ko alam ang sinasabi mo, Miss."

"Quit lying, you stranger! Alam kong kanina ka pa nakamasid sa loob ng gym!"

"Oh, really? Kakadaan ko lang kanina, Miss. Kung multo ang nakita mo kanina, that's quite scary. By the way, I think you need an advice. Stop reading paranormal and horror stories. You're being delusional because of believing on those crap elements."

Excuse me?!

"Huwag mo akong lokohin--"

"Celestine."

Napaharap ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko.

"Ford?"

Yup, si Ford yung tumawag sa akin.

"What are you doing outside the gym? Ayaw mo bang kumain sa loob?"

"May kinakausa kasi ako dito--"

Pagkalingon ko ulit sa direksyon ng stranger, wala na siya. Teka, nasaan 'yon?!

"How--"

"May kinakausap ka? Sino?" nagtatakang tanong ni Ford.

He quickly manage to get away when I'm still talking to Ford. Oh, great. How lucky he is.

"May napansin ka bang lalaki na naka-black t-shirt kanina?" tanong ko kay Ford.

"None. Wala kang kasama noong makita kita."

Huh? Hindi niya nakita yung kausap ko? Sino ba yung hinabol ko kanina? Don't tell me multo talaga 'yon?

I sighed before talking to Ford again.

"Things makes me confused right now. I don't know if you guys could feel it pero noog dumating tayo ng 4th Year High School, may kakaiba akong naramdaman."

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon