Hazel's PoV
Nasaan kaya ang asungot na yon? Nagpabili lang ako ng pocky pero di na nakabalik dito sa resort. -_-
Tss! Bakit ko ba inaalala yon? Baka naman may natagpuan ng ibang magandang babae dito kaya di na bumalik.
Aish! Naiinis ako. -_-
"Tagal naman ng pocky ko. Kakabwisit nung bumibili. Tsk."
Nakalimutan ko pa kasi bumili non kanina sa convenience store eh. Ayan tuloy, minalas si Headset Guy.
Busy rin ako palangoy-langoy dito sa dagat habang hinihintay ang pocky ko. Kanina pa nga akong tanghali na nakababad dito, mas naunahan ko pa si Mabel. Akala niyo siya lang adik magswimming noh?
Syempre ako rin.
"Hoy Patch, ang tahimik mo ata." Napansin ko kasing kanina pa hindi dumadaldal si Patch. E maingay pa naman yan kapag sa gantong galaan. Pero ano kaya nakain nito at seryoso lang.
"Wala." sagot lang niya sa akin.
"Sus, ano nanaman yang problema mo?"
"Wala nga sabi."
Tiningnan ko yung tinititigan niya. Hmmp, alam ko na.
"Si Gio oh. Aba, busy mag-ihaw-ihaw dun."
"Gio?! Hindi ko tinitingnan si Gio!"
Defensive agad. Di ko naman sinabi na nakatitig siya kay Gio ah.
"Kaya pala problemado. Tsk tsk tsk."
"Tumigil ka Hazel kung ayaw mong lunurin kita."
"Ako dapat magsasabi nan!" Mang-aagaw ng line.
"Edi simulan mo."
Inaway ba 'to ng iba at ganito 'to ngayon?
"Wag na. Sayang lang sa energy ko. Buti nga at bumalik ulit ako sa dati. Kung hindi, baka lantang gulay pa rin ako ngayon dahil sa lecheng byahe na yan."
Lumangoy na palayo si Patch kaya naiwan ulit akong mag-isa dito. -_-
Makakuha na lang kaya ng mga shells?
Habang nagpupulot ng mga shells (tulya lang ata 'to eh), nakita ko sina Lysa at Dennis sa di kalayuan. Nagsisigawan yung dalawa at lumangoy na lang palayo si Lysa. Umalis na rin si Dennis at nakatingin lang sa kanila si Mabel. Ano nanaman kaya ang drama ng love birds na 'yon?
Kanina ko pa napapansin si Dennis na bad trip eh. Pero ano kaya naging dahilan ng away nila?
Dami nilang problema, makabalik na nga lang sa pangongolekta ng mga shells.
After several minutes....
Ayoko na! Ang sakit na sa mata na manguha ng mga shells! Ang dilim na kasi dito sa dagat. Makabalik na lang kaya sa cottage.
Cottage
"Hi Best!" Bati sa akin ni Celestine pagkapasok ko ng cottage.
"Oh, where's Ford? Kanina ko pa siya di nakikita dito ah." dagdag pa niya.
"Hayaan mo siya maglibot dito sa buong beach. Di naman yun mawawala kaagad. Malaki na yon para alalahanin pa."
"That's weird."
"Anong weird pinagsasasabi mo dyan?"
"Uhhh... nevermind. Ready kana mamaya. Magswiswimming na tayo!" -_-
Kanina pa ako nagswiswimming. Actually, di mo na kailangan sabihin yan sa akin, Best.
May kinuha si Best na paper bag sa tabi ng kama at inilabas niya ang laman non.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Ficção Adolescente[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
