Chapter 4: Enemy

105 4 0
                                        

Hazel's PoV  
   
     
  
Sa ngayon, mayroon kaming open forum na pinangungunahan ni Kean.

"Are you guys angry to me?" tanong ni Kean kina Celestine. Kakasabi ko lang kanina na hindi kami galit sa kanya. Masyadong makulit 'to.

Habang nag-uusap ang tropa ko at si Kean, kumakain ako ng sandwich. Pinapakinggan ko naman sila. Recess time ngayon at nasa canteen kami kaya kasama namin ang Senior na 'to.

"Alam mo kasi Kean... Uhhhh..."

Hindi na makaimik ang tatlong bruha. Hindi alam kung anong iri-reason nila. Well, ang role ko bilang kaibigan, isalba sila.

"Actually Kean, nakakaselos kasi kayong dalawa. Hindi namin pinagdadamot sa'yo si Acey. Alam namin na mahal mo siya." nakita kong bigla siyang namutla.

Nagsmirk ako bago magsalita ulit.

"Mahal mo ang kaibigan namin bilang friend. Gaya mo, mahal rin namin si Acey. Dahil do'n, mahal ka rin naming lahat. Kaya huwag mo nang isipin na galit kami sa'yo. You're always welcome in the family."

Nakita kong naging maayos ang itsura niya. Ha! Akala niya ibubuking ko siya kay Acey? Hindi ko ugaling makialam sa relasyon ng ibang tao. Wala rin ako sa posisyon para sabihin ang nararamdaman niya sa kababata niya. Responsibilidad niya 'yon. 
  
  
  
Uwian  
   
  
  
Nasa hallway ako ngayon at napansin kong may lumapit sa akin.

"Hazel! Thank you kanina ha? Akala ko kasi ibubuking mo na ako." sabay pat niya sa buhok ko.

"Hoy, huwag mong guluhin ang buhok ko! Aba, kakasuklay ko lang eh."

Inayos ko ng kaunti ang buhok ko bago ulit magsalita.

"Wala akong karapatan na sabihin kay Acey ang feelings mo sa kanya. Payong kaibigan, huwag torpe! Umamin ka hangga't maaga pa. Bahala ka kapag may nakauna sa'yo."

"Oo na, oo na. Mauna na ako ha?" paalam niya bago umalis.

Nang makarating ako malapit sa entrance gate ng school, may nakita akong bench at umupo muna doon. Kailangan ko pa kasing hintayin sina Mabel dahil hindi pa sila tapos sa seat work kaninang last subject.

Habang pinagmamasdan ang buong paligid, nagulat ako nang mapansing may katabi na ako sa bench. Kanina kasi, ako lang ang mag-isa dito.

At sa hindi inaasahang pagkakataon...

Itong headset guy pa ang nakatabi ko.  
  
  
 
Thank you talaga, destiny. Ang galing mong mang-inis.   
 
  
 
Hindi niya ako kinukulit dahil natutulog siya sa tabi ko. As always, suot ang pinakamamahal niyang headset. Ugh.

Pagtripan ko kaya 'to?

Tinanggal ko ang headset ni Ford at idinampi ito sa mukha niya. Dahil sa ginawa ko, agad siyang napamulat ng mga mata at tumingin sa akin.

"Alam kong sinundan mo ako dito. Huwag kanang magpretend na mali ang sinabi ko."

Noong una, nakatitig lang siya sa akin na tila kokontra sa sinabi ko nang bigla siyang ngumisi.

Hanggang ngayon ba naman?! Tch!

"I won't leave you. Always remember that." sabi niya bago magwink sa akin.

Nakakaasar talaga ang lalaking 'to!

Dahil sa inis ko, naibato ko sa kanya ang headset at tumama ito sa kamay niya.

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!"

"You're really a sadist one."

Kung kanina ay natutuwa ito dahil naaasar ako, sumeryoso ang mukha nito bago kuhanin ang headset na nalaglag sa sahig.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon