Mabel's Point of View
Kahit ngayong araw, busy rin kami sa mga schoolclubs.
*pout*
Bakit kaya naimbento ang mga schoolclubs? Wala naman atang matututunan d'yan eh.
Kinulbit ko si Patricia pero hindi niya ako pinapansin. Busy kasi siya sa pagbabasa ng chemistry book eh.
"Patch, Patricia, Tricia, Patchi--"
"What?"
Waaah! Ang fierce naman ni Patch. In-english ako ng hindi oras! Pwede naman ano na lang ang sabihin niya kasi nasa Pilipinas naman kaming dalawa. Haayyy. Nakakatakot pa naman 'yan kapag seryoso. Teka, hindi lang sa serious mode. Mas lalo kang matakot kapag nabeastmode mo siya. Huhuhu!
"Bakit kailangan ng mga estudyante sumali sa mga school clubs?"
Napataas naman ng isang kilay si Patricia. May mali ba sa sinabi ko?
"Extra-curricular activities 'yon. Pang dagdag points na rin para sa grades."
Tinuro ko naman si Celestine na busy na tinitignan ang mukha niya sa salamin.
"Eh bakit si Celestine, ayaw maki-cooperate sa mga ganyang bagay? Di ba nasa top din naman siya?"
Umiling si Patch sa akin. "Wala kang mapapala sa babaeng 'yan."
"Pero hanga ako sa kanya. Kahit focus lang siya sa academics, napapanatili pa rin niya ang rank niya!" totoo naman sinabi ko. Bakit nga si Hazel, ang hilig din sumali sa mga school activities pero wala sa honor? Parang si Acey, haha. Hmmp, ako nga rin eh, hindi mahilig sumali sa mga ganyang activities sa school.
"Sus, anong kahanga-hanga d'on? Huwag kang gumaya sa babaeng 'yan. Importante pa rin ang maging active sa mga school activities 'no."
Napapout ulit ako. "Astig nga siya e."
Nagulat ako nang may biglang umakbay.
"Buti pa 'to. Naniniwala sa akin. Kaysa sa'yo." nginitian niya ako at umirap naman siya kay Patricia.
Ganun din ang ginawa ni Patricia sa kanya.
"Huwag ka rin pala utu-uto sa babaeng 'yan. Masama pinapaniwalaan ang mga taong maaarte."
Grabe naman ang dalawang 'to. Kung iisipin ko nga, parang hindi magkaibigan ang dalawang 'to e.
Sabagay, bff n'an ni Celestine ay si Haze-Haze. Tapos, ang best friend ko naman si Acey. Si Patricia... Solo dati.
Ay basta... Masaya ako at magkakaibigan kami. Tapos.
Lumingon ako sa dalawang vacant chairs sa kaliwa ni Celestine. Mas busy sila Acey at Hazel ngayon.
Wala ang dalawang masungit...
Actually, si Acey lang naman ang masungit. Si Hazel, very very very cold. Mas hard pa sa yelo. Sabi nila, wala siyang puso Pero... Bakit siya buhay? Ang gulo naman nila.
"Imposibleng walang puso si Hazel."
Napalingon naman ang dalawa sa akin. Tapos na pala sila mag-away. And oops, narinig nila sinabi ko.
"Sinong may sabi na walang puso si Hazel?" tanong ni Celestine na inilapag ang kanyang salamin sa arm desk.
"Marami. Sabi rin ni Acey. Nakakapagtaka lang."
"Nagtataka ka dahil d'on?" sabay na tanong nung dalawa.
"Sabi nila, wala raw puso si Hazel. Imposible yun, di ba? Sabi ng teacher natin nung elem pa lang tayo, hindi pwedeng mabuhay ang isang tao na walang puso. Kasi ito ang organ na tumutulong mapadaloy ang dugo o kahit anu mang element sa katawan ng tao. Di ba? Di ba?"
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Novela Juvenil[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
