Chapter 9: Art Club

77 3 0
                                    

Hazel's PoV 
 
  
 
Ilang linggo na ang lumipas, peaceful pa rin naman ang buhay ko.

Nasa canteen kaming lima at nag-uusap tungkol sa sasalihan naming mga clubs.

"Panigurado, sa Art Club ka sasali." sabi ni Patricia sa akin.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Matapos 'non, bigla namang nagsalita si Celestine.

"E ako, Patch. Alam mo?" May taas-baba pa siya ng kilay.

Nag-isip si Patricia sa loob ng ilang minuto bago sumagot.

"Hmmp, alam ko rin. Bagay ka sa Kaartehan Club."

Sumimangot naman si Celestine.

"Ikaw, para kang hindi kaibigan!"

Baka mag-away lang ang dalawang 'to. Psh. Bahala sila sa buhay nila. Pag ganitong busy ako sa kinakain kong lunch.

"Umayos ka nga Patch!"

"Totoo naman sinasabi ko ah?" Nagmaang-maangan si Patricia sabay nakita kong lumingon sa kanila si Acey.

"Isa, Patricia." mapipikon na talaga 'tong si Celestine.

"Fine. Pero mas may bagay na club sa'yo. Kalandian Club."

"Naman e!!!"

Kumuha si Celestine ng tinapay at nang akmang babatuhin niya ito kay Patricia, natigilan siya nang magsalita si Acey.

"Sige, subukan mong mag-sayang ng pagkain. Makikita mo ang kahahantungan mo mamaya."

Seryoso si Acey at binitawan naman ni Celestine ang tinapay. Tinitigan niya si Acey dahil sa sinabi nito. Si Acey naman, pinagtaasan ng kilay ang bestfriend ko.

"Saan?" nako naman. Namilosopo pa.

Biglang kumunot ang noo ni Acey.

"Sa Africa. Bakit? May angal ka?"

Baka naman itong dalawa ang mag-away.

Bago pa makapagbitiw ng salita si Celestine, inunahan ko na siya.

"Huwag kayong mag-away sa harap ng mesa. Mahiya kayo sa pagkain."

Tumahimik naman ang dalawa. At dahil dito, sumang-ayon si Mabel sa akin na kanina lamang ay tulala. As usual.

"Tama si Haze-haze. Keep the meal holy." May pa 'holy-holy' pa siyang nalalaman.

Hindi na natuloy ang pag-uusap namin tungkol sa clubs nang biglang may nakiupo sa table namin.

"Hey."

E kung sungalngalin ko pagmumukha nito sa floor? Makaupo wagas. Tsk.

"Wala ng vacant e. Pwede naman siguro ako dito." sabi nito sabay wink sa akin.

Napakalanding tao... Mas malandi pa kaysa sa babae...

"May sinabi ba akong pwede kang maki-join dito?"

Natigilan naman siya sa pag-inom ng softdrinks niya na nasa can.

"Wala."

"Wala na talagang vacant? E bakit wala ka sa office kasama ang dalawang devil?"

Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Payagan mo na ako! May sinisilayan lang haha." may sira ata 'to.

Binato ko naman siya ng tissue na crinumpled ko.

"At sino naman 'yan?" Napaka-F.C. ng lalaking 'to. Makapag-favor, grabe lang. Walang pinagkaiba kay headset guy.

"Kilala mo yun. Promise."

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon