Chapter 49: JS Prom (Part I)

76 3 0
                                    

Hazel's PoV  
  
 
    
Jusmiyo, ang bagal ng oras. Kanina ko pa gustong mag-uwian.

Ngayon ko lang 'to nafeel, yung sobrang boring sa huling subject namin. Ewan ko ba, excited ata ako umuwi. Obvious naman.

Ay hinde. Excited ako kasi Friday na bukas! Oh yes! After that, puro panood na lang ako ng mga Animes sa weekend. Noong Wednesday pa naman kasi tapos ang Quarterly Exam namin kaya hayahay na!!!

Kaso nalulungkot lang ako ngayon kasi natapos na kagabi ang isa sa mga favorite kong Animes sa balat ng lupa! (T^T)

"O Best! Why are you so sad, huh?"

Kinukulbit-kulbit ako ni Celestine pero nakatulala lang ako sa black board habang naka-pangalumbaba.

"Okay. I know na kung ano problem mo ngayon. That Anime-- your favorite-- again, right?"

Tumango ako habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa black board.

"Idodownload ko na lang yung mga episodes niya mula Season 1- hanggang Season 7 para hindi ko mamiss."

"Ang babaw naman ng dahilan mo para malungkot, tsk. Parang Anime lang eh." reklamo ni Patch.

"Wow ha, parang nung natapos yung Dream High hindi mon iniyakan sila Kim Soo Hyun ah?"

Nakita ko namang medyo nabadtrip si Patch na parang naiiyak.

"Nakakainis ka Hazel! Grabe! Nararamdaman ko nanaman ang pangungulila ko kay Kim Soo Hyun!"

"Ang babaw rin ng rason mo para maghimutok d'yan."

"Aish. Tigilan na nga lang natin ang drama na 'to. Atleast may Tae Hyung na ako na handang maghintay para sa akin. Kyaaa~"

Para namang namatay si Kim Soo Hyun sa pagkakasabi niya eh. Pati grabe 'tong si Patch, makaasa sa BTS na yun, wagas lang ha? Tsk tsk tsk. -___-

Mabuti na lang at nagtime na kaya mas lalo akong naexcite umuwi.

"Ok class. Bago kayo umuwi, may ibibigay nga pala ako sa inyong invitation."

Invitation? Para saan naman yan?

"Alam kong excited na kayo sa big event na 'to. Kulang ang high school life niyo kung hindi kayo aattend dito. Sana lahat makasama."

Pagkabukas ng ilan kong mga kaklase sa invitation, natuwa sila halos lahat. Medyo nacurious tuloy ako kung ano bang event nanaman yan.

"Oh My God! OH MY GOD! This is it! Thiz iz really iz it! Oh My God talaga!"

"Hoy Best, ano naman ang nakain mo at panay papuri mo kay God ha?"

"Best!!! Ito na yung pinakahihintay ko since last year!"

"Maka-celebrate ka naman d'yan, wagas. Daig mo pa nanalo sa lotto. Teka, tungkol saan ba yung--"   
    
    
   
Junior Senior Promenade   
    
   
   
"It's our time for us to be transported into Fairytale World, Best! Tandaan, hindi kumpleto ang highschool life mo kapag di ka aattend ditey."

"JS Prom lang pala. Sus, magbabayad lang ako dito. Hindi ako interesado."

"What?!"

"Guys, anong susuotin niyo sa JS para hindi tayo magkapare-pareho?"

Lumapit sa amin si Patch habang may hinahanap sa iPad ni Acey.

"Kulay blue yung gown ko ha. Sa'yo ba, Celestine?"

"Black gown, as always!" sagot ni Best.

"Ikaw Hazel? Ano iyo?"

"Pambahay."

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon