Hazel's PoV
Hindi ko na ma-gets ang tinuturo ng aming terror math teacher. Hindi lang ako naguguluhan dahil sa mga Pythagorean theorems at SohCahToa. Hindi rin ako inaantok kahit 1 pm na at napakahirap ng subject."Hoy Hazel, tapos ka na agad?" tanong sa akin ni Patch at biglang tumingin sa Math book ko.
"At talaga namang wala kang balak magsagot sa libro? Gusto mo bang bumagsak sa Geometry? Akala ko ba babawi ka ngayong quarterly?"
"Magpapaturo sana ako sayo kaso nakakahiya namang istorbohin ka" napataas ang isa niyang kilay kaya napakunot naman ang noo ko.
"Palusot. Mag-uusap tayo mamaya ha? Sige, lumapit ka dito. Hindi magkakasagot yang libro mo kung tutunganga ka na lang diyan."
Matapos ang tatlong subject, uwian na kaagad. Cleaners ako ngayon pati ang apat. Sina Lysa kasi may training kaya excuse sila. Si Yuna naman pinatawag sa Journalist Club.
Habang ako ay nagbubura sa black board, biglang may dumali sa akin.
"Kanina ka pa nananahimik diyan." Si Patricia pala ang dumanggi sa akin.
"Hindi naman ah. Panong hindi ako mananahimik eh nagbubura ako ng mga nakasulat dito? Gusto mo pa atang kausapin ko ang black board."
"Kita mo na! Napaka-sarkastika na naman."
"Ikaw kasi Patch, napaechosera mo."
"Bakit ka ba sumisingit sa may usapan ng may usapan ha?!"
Buti na lang biglang sumulpot si Best kaya nawala ang interest nitong makipag-usap sa akin.
"Gusto niyo bang ipakain ko sa inyo 'tong mga kalat?" si Acey, na dakilang taga-saway sa dalawa.
Kaya ayan, biglang lumapit ang tatlo sa akin.
"Ano na Hazel?" tanong sa akin ni Patch.
"Anong 'ano'?"
"Huwag ka ng magmaang-maangan diyan. Halata ka na. Anong problema?" umiling lang ako sa kanila.
"Best--"
"Guys, food trip daw sabi ni Lysa." biglang pumasok si Yuna sa classroom at kinuha ang bag niya.
"Food Trip?" tanong ni Mabel sa kanya. Ok, pagkain nga naman.
"Sabagay linis na naman ang buong classroom. Tara na." ayan, nagyaya na rin si Acey.
"Tantanan mo na yang black board, Hazel. Sundan na natin si Yuna, palabas na ng classroom oh." napansin pala ako ni Patch na nagbubura pa rin.
"Wala akong gana. Kayo na lang mag food trip."
"Ano?!--"
"Patch, easy. Best, tara na. Sus, ang drama mo naman eh." bigla na lang akong hinatak ni Celestine kaya wala na akong nagawa.
Food Trip Haus
Nandito na rin si Ford kaya ayokong pumasok ng cafe. Ilang beses kong tinangka na tumakas pero mahigpit ang kapit sa akin ni Best.
"Best, isa."
"Best, hindi naman ako nagugutom--"
"Hazel."
Huminga ako ng malalim saka tumango sa kanya. "Sige, sit in lang ako."
"Sit in ka dyan. Manlilibre si Ford no. Its his birthday kaya." Birthday?
"Birthday?" bigla namang nagulat si Celestine sa sagot ko.
"Ayun si Ford! Nyahahaha, tara batiin natin siya! Ang sama naman kung hindi man lang batiin. Nilibre na nga tayo eh."

BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Ficțiune adolescenți[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18