Chapter 64: Rage

57 2 0
                                    

Celestine's PoV

All night and all day, hindi ko nakakalimutan ang ginawa ng babaeng 'yon sa kanya.

Hindi ako pinapatulog ng mga pangyayari mula sa araw na 'yon.

Nawawalan na ako ng gana sa pagkain dahil hindi ko masikmura ang ginawa nilang dalawa.

Yakap ko lang ang unan ko habang nakatingin sa malayo. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at may kumalampag na plato sa side drawer.

"Tin, hapunan na." sabi ni kuya pero hindi ko siya pinapansin.

Naramdaman kong umupo siya sa kama at napabuntong hininga.

"Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Hindi ako kakain." I said accompanied with my cold expression.

"Tin... kahapon ka pa hindi kumakain. Magkakasakit ka na niyan."

"Hindi ko nga sabi gusto kumain!"

Naibato ko yung unan kaya nagulat si kuya sa ginawa ko.

"Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na hindi ako nagugutom?!"

"Magkakasakit ka, Tin. Nag-aalala ako sa'yo... Please kumain ka na..."

Niyakap ako ni kuya pero hindi ako kumikibo. Huwag mong sisihin ang sarili mo kung hindi mo mapilit ang kapatid mo... kuya. Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa kanya... Hindi ako magiging ganto kung hindi dahil sa katangahan niya!

"May bisita ka mamaya." sabi ni kuya.

Tumango lang ako atsaka ibinalik ang tingin sa bintana. Kung sino man ang dadating sa bahay, wala na akong pakialam don.

Lumabas si kuya ng kwarto ko at makalipas ng ilang minuto, narinig kong may bumusinang sasakyan sa labas ng bahay.

Narinig kong bumukas ulit ang pinto ng kwarto at sumara ito pagkatapos.

"Best."

Nanatili lang akong nakatingin sa bintana ng maramdaman ko siyang umupo sa kama.

"Best... kahapon ka pa daw hindi kumakain..."

Tahimik lang ako sa pagkakaupo. Alam kong dadating dito si Best dahil alam nilang siya lang ang makakatulong sa akin. Pero hindi rin niya ako mapipilit na kainin ang pagkain na inihanda ni kuya.

"Alam mo Best... magkakasakit ka nan sa ginagawa mo."

"..." Hindi ko gustong makipag-usap sa lahat. Gusto kong manatiling tahimik dahil kailangan ko ng katahimikan para sa sarili ko.

"Best... baka bumalik ang pagkahilo mo..."

"..."

"Ako nga nagugutom eh... kasi hindi pa ako kumakain..."

Tiningnan ko si Hazel ng seryoso. "Kainin mo 'yan kung gusto mo."

"Favorite ko pa naman yung ulam... Tinolang Manok..."

"..."

"Sila Yuna kasi eh. Inutusan akong dalhan si Ford ng niluto nilang pagkain. Hindi tuloy ako nakakain ng dinner. Tsk. Buti nga pinakain ako ni Ford sa mansyon nila eh."

"Kumain ka naman pala."

"Kulang kaya. Kaya ikaw e kumain na rin. Gusto mo bang tulungan kita sa pagpapakamatay mo?"

Pagkakita ko sa pagbabalik ng usual mood ni Hazel, bigla na lang ako nakaramdam ng sakit.

"Sorry Best..."

"Kain na. Gusto mo pa atang mabawasan weight mo eh. Huwag ka ng gumaya sa akin."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Ayokong maging kasing payat mo. Super payat ka kaya."

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon