Chapter 49: JS Prom (Part III)

84 3 0
                                    

Hazel's PoV    
    
    
     
Cassiopeia       
     
     
   
After class, nagpunta kami nila Best, Patch at Yuna sa boutique shop para magsukat ng mga gowns. Dapat sasama sa amin si Jia pero nakapamili na daw siya ng kanyang gown noong weekend. Mas excited daw kasi yung mga ate niya sa kanya, kaya ayan, kaming tatlo lang ang bitbit ni Best.

"Guys, I would like you all to meet the fashion designer of this boutique. She's Mademoiselle Nadoira Cival."

Binati naman kami ng fashion designer. Muntikan pa kaming manosebleed dito dahil medyo iba accent ng pagkaka-English niya. French kasi.

Ayan, pumipili na kami ngayon ng mga ball gowns. Makikita ko pa lang yung mga nagtataasang high heels sa glass cabinet, gusto ko ng magback-out. Masyadong deadly lahat!

Bumalik na yung fashion designer kasama ang dalawang assistants niya na may mga gowns. Eto na ata yung pinili namin dati.

"Girls, sukatin niyo na!" pagcheecheer sa amin ni Best at itinulak kami sa tigi-tig-isang mga fitting room.

Bitbit ko ang isang black and violet gown. Black ang tube niya tapos ang lower part ay color dark violet. Ewan ko ba kung bakit ko 'to nagustuhan. Except sa maviolet ang gown e talaga namang maganda yung design niya. Tapos Royalty pa ang meaning ng violet. Bagay na bagay sa theme naming Medieval.

Pagkalabas naming tatlo mula sa iba't-ibang fitting room, chineck naman kami ng fashion designer at si Best, na ngayon ay may bitbit na DSLR.

"Alam mo Patch, mukha kang si Cinderella sa suot mo. Tssk tssk tskk, hopeless talaga ang manang."

"Gandang compliment Celestine ah. Tsss. FYI, pacific blue ang suot ko at hindi sky blue!"

"Fine."

Si Yuna naman ang tinignan ni Best. "Oh wow pretty Yuna! You're so pretty talaga in your bronze-colored ballgown and... uhhh... converse shoes?"

Nagtawanan naman sila ni Patch kaya nakatanggap sila ng isang irap kay Yuna. Tumigil naman sa pagtawa ang dalawa sabay nagpalitan ng masamang tingin.

"Ok lang kaya yung gown ko sa akin?"

Napatingin naman sila lahat sa akin. Napalakas kasi yung pagkakabulong ko. -___-

"Kulang na lang Best sayo ay make-up. Hihihi!" kinikilig na sabi ni Best sa akin.

"Wag na. Ok na siguro 'tong pagsusukat ng gown."

May mga dumating naman ngayon na tatlong assistants na may bitbit na maraming box ng sapatos.

"Best, fitting of shoes naman ang next. Kaya kayong tatlo, mamili na ng mga high heels! Bawal flat shoes ok?!"

Akala ko tapos na ang torture, ayun pala hindi pa. (TT^TT)  
      
    
   
Next Day   
   
   
    
Hindi gaanong nagklase mga teachers namin dahil marami sa mga kaklase ko ang kasama sa cotillon.

Kaya ang mga hindi sasayaw ay nakatunganga lang sa loob ng classroom. Tatlong araw na lang bago ang JS Prom, nakakaramdam nanaman ako ng tamad. Mas nawawalang gana ako sa Sunday kaysa sa Monday eh. Sana naman at mag-enjoy ako sa prom.

"Tara magFood Trip. Lysa, bili kayo mga chichirya sa baba." utos ni Patch kay Lysa.

"Nyeh?! Bakit ako?"

"Kayo naka-schedule ngayon. Sige na, bili na kayo. Gutom na gutom na kaya ako."

"Sige na nga. Hmmp!" sabi ni Lysa sabay simangot.

"Ano bang gusto niyo?" tanong naman ni Jia.

Ano kaya masarap na pagkain ngayon? Mukha kasing hindi ako nagugutom eh.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon