Chapter 50: Summer!! (Part III)

34 3 0
                                        

Patricia's PoV  
  
  
  
Boring naman ng summer vacation ngayon. -_- 
  
  
  
Hay nako, I extend ko kaya ang outing hanggang sa isang araw? Di kasi ako masyado nag-enjoy kahapon e.

Dahil si Acey ang katabi ko ngayon sa upuan, sa kanya ko sinabi ang plano ko na iextend ang outing.

"Sure ka?" tanong niya. Mukhang gusto niya rin naman e.

"Oo. Nakakaboring kasi kahapon."

"Talaga? Ikaw kaya yung halos nakaubos ng lahat ng T-Ice kagabi. Tapos ikaw pa di masaya kahapon?"

"Ayaw mo ata na extended outing natin eh."

"Hindi naman sa kumokontra ako sa decision mo. Bakit ka naman nagchange of mind?" pagkasabi niya non, tiningnan niya si Gio na hinahabol si Jia.

"Not yet ready to say goodbye to him?" pang-aasar niya.

"Ewan ko sayo. Basta, ieextend ko ang outing sa ayaw o sa gusto niyo."

"Ikaw bahala. Ikaw naman leader sa atin."   
      
    
  
"TALAGA?!/WEH?/DI NGA?!"  
  
   
   
Iba't-iba ang naging reaksyon ng mga babae gaya na lang ng sa mga lalaki. Ang masasabi ko lang sa kanila, masyado silang masaya.  
  
 
  
Lalo na sila Ford at Luke. -_-  
   
 
  
"Hmmmp, that's a great idea! Hindi na ako matutuloy sa NY by next day." Ah, kaya pala. So, may utang na loob sa akin si Ford? Ganon?  
  
  
  
"Whoaaa! Nice one Patch! Yeah, atleast di masasayang ang dala ni Babe na swim suit." Kailan kaya titigil si Luke sa mga kalokohan niya? -_-+  
  
  
 
Biglang sumingit si Hazel sa usapan. "Best, patingin nga ng swimsuit na sinasabi ng boyfriend mo?"

Iniabot naman ni Celestine kay Hazel yung swimsuit at bigla na lang ito ginutay-gutay gamit ang gunting. Aba, ready ang deadly weapon huh?  
  
  
  
"OhMyGod! Why did you do that Best?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Celestine.  
   
"Swim suit ba yon? Parang basahan e." 
  
"You're so bad talaga Best!" pagtatampo ni Celestine.

"Mas bad yang linta mong boyfriend."

"Oi Oi Oi, sa gwapo kong 'to linta lang itatawag mo sa akin?!"

"Di naman sa literal. Pero lakas ng loob mo dumikit kay Best e." sabay hampas ni Hazel sa kamay ni Luke na nakapulupot sa bewang ni Celestine.

"Ang bad rin ni Hazel. Patch oh."

Sinamaan ko ng tingin si Luke kaya natahimik siya.

"Balik na akong cottage. Bahala na kayo kung anong gusto niyo ngayon. Basta, magswiswimming na ako mamaya."  
  
  
  
Cottage 
  
  
   
Bago magswimming, pumunta muna ako ng cottage para maghanap ng sun block. Baka kasi mas lalo akong umitim. -_-

"O Patch, akala ko ba nagswiswimming kana?"

Si Jia pala.

"Maglalagay muna ako ng sunblock. Alam mo na, baka umitim."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Wala naman."   
    
   
   
Awkward silence...   
   
   
  
"Wala si Gio. Nagbalak sila nila Ford magsurf. Kaya naiwan ako dito."

Bakit niya naman siningit ang pangalan ni Gio sa usapan? -_-

"May nalaman ako."

Dahil dyan, muntik ko ng mabitawan yung sun block na kakakuha ko pa lang.

Love QuarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon