Hazel's PoV
"Ang ganda-ganda naman ng anak ko oh!"
Panay puri sa akin ng aking nanay matapos kaming mamake-up-an ni Best dito sa bahay nila.
"Mi! Ano ba 'yan! Parang make-up lang eh!"
"Nako Hazel. Maganda ka naman talaga ah. Manang-mana ka kaya sa akin." sabay proud na tinuro ang sarili niya. Si mommy talaga oh.
"Oo na. Mi, huwag abno."
Umiling-iling lang siya sa akin bago si Celestine ang sunod na pinuri. Mabuti pang sila na lang ang mag-usap. Naiirita lang ako sa make-up ngayon.
Bago mag 2 pm, nakarinig kami ng bumusinang sasakyan at nakita namin si kuya Sep na pumasok sa bahay.
"Readyng-ready na ah. Iba talaga kapag si Vivian ang nag-ayos."
Tumayo na yung make-up artist atsaka pabirong hinampas si kuya Sep.
"Lagi mo na lang ako binibola."
"Sa totoo naman ah."
"Oh s'ya, congratulations ulit sa inyo Hazel at Celestine!"
Matapos kaming batiin ng make-up artist, umalis na siya at naiwan kaming apat dito.
"Meron pa kayong one hour bago magsimula ang ceremony. Relax muna kayo." sabi ni kuya Sep.
Lumabas si kuya Sep ng bahay at tatawagan lang daw niya si Yuna. Di makatiis ang lalaking 'yon, magkikita naman sila ng girlfriend niya mamaya eh.
"Huhuhu! I can't believe this!" biglang angal ni Best sa tabi ko.
Ano kaya problema nito? Umaarte nanaman eh.
"Hoy Best, anong kaartehan 'yan ha?"
"Best... College na tayo! Huhuhu!"
"O? Anong problema dun?"
"Bilis lang ng panahon. *sniff* *sniff*"
College lang pala. Hindi ako nababahala sa new life namin after high school. Nandyan naman ang barkada ah. Parang maglalayo kaming lahat ah.
"Nag-aalala ka pa e magkakasama pa naman tayong lahat sa college." sabi ko.
"I just can't help to cry. Huhuhu! Mamimiss ko ang W.A."
Kahit ako rin naman, mamimiss ko ang West Academy. Dami ko ng memories kasama si Best sa school na 'yon. Doon na rin ako lumaki dahil pre-school pa lang ng pumasok ako don.
Nagpapasalamat ako sa W.A. dahil ang sasaya ng memories na natanggap ko dito. Mahirap man iwan yung dati, kailangan pa rin na magmove forward. Malay natin at mas masaya ang college life, di ba?
"Hindi ka naman umiiyak eh. Nag-iinarte ka lang." biro ko.
"Huhuhu! How meanie! Makikipagchikahan na nga lang ako kila Patch by phone."
After one hour, napagdesisyunan na naming pumunta ng school.
"Hazel, halika nga dito. Aayusin ko yang collar mo."
Nagsusuot na kami ni Best ngayon ng toga at cap. Mamaya kasi ay magsisimula na ang ceremony.
High school graduation is the loneliest among the events in school. Ewan ko kung bakit ako nalulungkot. Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag natapos ang isang bagay, wala ng susunod pang kasiyahan.
Everything that has already ended does not mean it's a final ending. Kung ito yung pagtatapos sa high school life namin, meron namang magsisimula na bagong chapter of life.
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18
